Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP

Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP Ang RSAP ay binuo para itaguyod ang kaligtasan at proteksyon ng mga rider at iba pang motorista laban sa pang-aabuso.
(777)

Official
RIDERS' SAFETY ADVOCATES OF THE PHILIPPINES RSAP

01/09/2026

SEPTEMBER 1: MA-IIMPOUND BA ANG MOTOR O SASAKYAN MO DAHIL SA PLAKA?

Panoorin ang Reaksyon at Rekomendasyon ni Col. Bosita!

Paalala sa mga rider at mga driver!Malaking abala at gastos kapag nahaluan ng tubig ang gasolina o diesel ng ating sasak...
30/08/2026

Paalala sa mga rider at mga driver!

Malaking abala at gastos kapag nahaluan ng tubig ang gasolina o diesel ng ating sasakyan. Maari itong huminto nang hindi natin inaasahan, mahirap paandarin o mag-start, at magkaroon ng matinding pagkasira ng mga piyesa tulad ng fuel pump at injector.

Kaya naman kailangan nating tiyakin na hindi mahahaluan ng tubig ang gasolina o diesel ng ating sasakyan.

Ang problema, abala at gastos ay kaya nating iwasan kung alam natin ang maaring maging dahilan!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

29/08/2026

Dapat, basta may ginawa ang Pulis na unusual- DRUG TEST AGAD!

Kaduda-duda ang ganitong gawain. Hindi ‘yan gawain ng nasa normal na pag-iisip.

Kaawa-awa naman ang biktima dahil estudyante pa lamang siya. Tiyak na malaking trauma ito para sa kanya.

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

https://www.facebook.com/share/r/1JbhpMk2en/?mibextid=wwXIfr

29 August 2026, SaturdayAttention:Hon. GEORGE “Ogie" D. SUAYANMayorCandelaria, QuezonAng paggamit ng Senior Citizen ID c...
29/08/2026

29 August 2026, Saturday

Attention:

Hon. GEORGE “Ogie" D. SUAYAN
Mayor
Candelaria, Quezon

Ang paggamit ng Senior Citizen ID card para sa personal na diskwento o pribilehiyo ng hindi awtorisado ng tunay na nagmamay-ari ay masamang gawain at labag sa Batas.

Magalang po naming iminumungkahi na imbestigahan at sampahahan ng kaukulang kaso ang isang Pastor na sinasabing may hawak na Senior Citizen ID Card ng isang kilalang Doctor sa Candelaria, Quezon na matagal nang namayapa.

Sinasabi rin na kilala ng mga kawani ng Candelaria Municipal Police Station (CMPS) ang Pastor at matagal na nila itong nakakasama.

Isulong po natin ang “Tunay na Serbisyo” para sa Diyos at para sa Bayan- hindi para sa sariling interes lamang!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

Ligtas na sa pang-aabuso ang mga rider at mga driver sa Bacoor City!Hindi na magagamit na panakot ng tiwaling Enforcer a...
28/08/2026

Ligtas na sa pang-aabuso ang mga rider at mga driver sa Bacoor City!

Hindi na magagamit na panakot ng tiwaling Enforcer ang pangungumpiska ng lisensya para kutongan ang motorista na may paglabag sa Batas o Ordinansa.

Hindi na rin mapapatawan ng paglabag na “driving without license” sa ibang bayan o syudad ang mga motorista na mahuhuli ng Enforcer sa Bacoor City.

Ganun pa man, hindi natin matatakasan ang ating paglabag dahil nag-rereport ang mga Lokal na Pamahalaan sa LTO at mahaharang nila ang renewal ng ating lisensya.

Sundin natin ang Batas at Ordinansa para maiwasan natin ang abala at multa!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

Kapabayaan ‘yan ng mga otoridad at mga opisyal ng Pamahalaan!Ganyan kahina ang mga Pulis at mga Enforcer natin, hindi ni...
27/08/2026

Kapabayaan ‘yan ng mga otoridad at mga opisyal ng Pamahalaan!

Ganyan kahina ang mga Pulis at mga Enforcer natin, hindi nila kayang humuli ng kapwa pulis o kapwa enforcer. Kapareho sa mga PNP Checkpoints- mga ordinaryong rider lamang ang kaya nilang hulihin.

Walang matigas na Pilipino kapag disiplinado ang liderato!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

Photo: CTTO

25/08/2026

Mahigit 30 years sa broadcasting si Senator Raffy Tulfo at hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Sanay siya sa ganyang pagtrato sa kapwa, paulit-ulit nating nasasaksihan ‘yan.

Dapat sig**o may Seminar din ang Senador na “walang background sa investigation at hindi abogado” para alam ang protocol sa impeachment trial.

Hindi tama para sa isang Senator Judge na paratangan ng STUPID ang witness- focus lamang dapat sa investigation!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

Video: CTTO

24/08/2026

Kapareho din ito ng mga nagaganap sa ating bansa, ang maganda lamang sa kanila- inuuna nilang tingnan ang Gun Regulations!”

Bago tingnan ng ating Pamahalaan ang mga hakbang para pigilan ang kapareho nitong mga insidente ng pamamaslang- higit na mainam kung tututukan muna ang mabilis na paggawa ng Batas na “pipigil at magpapataw ng mabigat na parusa sa kapabayaan ng mga Gun Owner.”

Simplehan muna, at huwag lipad ang mga isip- unahin ang dapat unahin.

Kung walang kapabayaan sa pag-iingat ng Fi****ms- walang magagamit ang problemadong estudyante sa pamamaslang!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

Video: CTTO

23/08/2026

Malaki ang sakripisyo ng ating mga g**o!

Hindi natin kayang tapatan ang sakripisyo ng ating mga g**o dahil sa kabila ng maliit at hindi sapat na sweldo- nariyan pa rin sila para maabot ng mga mag-aaral ang kanilang pangarap.

Huwag nating paratangan ng masama ang sinuman sa kanila, hindi natin kaya ang kanilang ginagawa!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Real Service Advocates of the Philippines

video: ctto

23/08/2026

Disiplina sa pagmamaneho ang kailangan para maiwasan ang aksidente at disgrasya!

Suportahan natin ang pamunuan ng Solid North Bus at ang liderato ng LTO. Iparating natin ito sa kanila para masupil ang ganitong driver na maaring magdulot ng malaking aksidente sa kalsada at ikasawi pa ng marami.

Itaguyod natin ang kaligtasan, pigilan natin sa pagmamaneho ang may ganyang asal!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
RSAP - Road Safety Advocates of the Philippines

Video: CTTO

Address

Silang
4118

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category