Sangguniang Kabataan Federation ng Silang

Sangguniang Kabataan Federation ng Silang Official page of the Sangguniang Kabataan Pederasyon of Silang, Cavite.

Committed to empowering every Silangueño youth through leadership, service, and meaningful opportunities.

📣 IPANALOKAL YOUTH TRAINING RESCHEDULED TO SEPTEMBER 2026 Please be informed that the IPANALOKAL Silang: Youth Leadershi...
20/08/2026

📣 IPANALOKAL YOUTH TRAINING RESCHEDULED TO SEPTEMBER 2026

Please be informed that the IPANALOKAL Silang: Youth Leadership and Governance Training has been officially RESCHEDULED TO SEPTEMBER 2026. 🗓️

The adjustment in schedule is made to ensure better preparation and a more meaningful and well-organized training experience for all our participants. The final date, venue, and other important details will be announced soon.

📌 REGISTRATION IS STILL ONGOING

Registration remains OPEN, and slots are strictly limited to the FIRST 100 APPLICANTS.

This training, with the theme “Empowering Future SK Leaders for Transformative Leadership and Good Governance,” continues its goal of developing capable, responsible, and service-driven young leaders who are ready to make a difference in their communities.

📲 Scan the QR code on the poster and secure your slot today!

🔗 Mag-apply dito:
https://forms.gle/8XtU5URNaPxQ33v3A
https://forms.gle/8XtU5URNaPxQ33v3A

See you this September, future leaders of Silang! ❤️

HAPPY BIRTHDAY, SKC ERICK 🎂Maligayang kaarawan kay Hon. John Erick Sumadsad, SK Chairperson ng Barangay Kaong!Kilala si ...
18/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, SKC ERICK 🎂

Maligayang kaarawan kay Hon. John Erick Sumadsad, SK Chairperson ng Barangay Kaong!

Kilala si SKC Erick sa pagiging madaling lapitan, maasikaso, at bukas-palad—isang lingkod-bayan na hindi nagdadalawang-isip tumulong kapag kinakailangan. Ang iyong kabutihan at malasakit ay tunay na pinahahalagahan ng mga taong nakakasama at napaglilingkuran mo.

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at marami pang biyaya upang mas marami ka pang matulungan at mapasaya.

Happy Birthday, SK Erick! 🎉

Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Silang! 💙❤️

WALANG PASOK | AUGUST 19, 2026 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at sa umiiral na Yellow Rainfall Warning sa Silang, wala...
18/08/2026

WALANG PASOK | AUGUST 19, 2026 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at sa umiiral na Yellow Rainfall Warning sa Silang, walang face-to-face classes bukas, Agosto 19, sa lahat ng antas.

📞 Silang OMDRRMO Operations Hotline: 0935-601-6738
📞 Command Center: 0917-169-5681 / (046) 414-3776

Patuloy tayong mag-ingat at manatiling alerto sa lagay ng panahon.🙏

Nag-ta-type kapa lang ng “ 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐩𝐨 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬?

WALANG PASOK | AUGUST 19, 2026, Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at sa umiiral na Yellow Rainfall Warning sa Silang, walang face-to-face classes bukas, Agosto 19, sa lahat ng antas.

Magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modules, online, o blended learning ayon sa abiso ng paaralan, at wag kakalimutan na tumulong sa gawaing bahay! 😄

📞 Silang OMDRRMO Operations Hotline: 0935-601-6738
📞 Command Center: 0917-169-5681 / (046) 414-3776

Patuloy tayong mag-ingat at manatiling alerto sa lagay ng panahon. 🙏


HAPPY BIRTHDAY, MS. SHARI 🎂🥳Very accommodating, masarap kasama, at laging ready to serve! 🙌 Masayang bumabati ang Pedera...
18/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, MS. SHARI 🎂🥳

Very accommodating, masarap kasama, at laging ready to serve! 🙌 Masayang bumabati ang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Silang ng isang maligayang kaarawan kay Ms. Shari Oliva mula sa Office of the Sangguniang Bayan ❤️

Maraming salamat sa inyong magiliw na pakikitungo at pagiging laging handang tumulong sa bawat lumalapit. Ang inyong pagiging maaasahan ang dahilan kung bakit mas magaan at mas masaya ang bawat gawain.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod. Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Silang ❤️

🏛️STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS 2026 Nakiisa ang Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Silang sa State of the Municipal...
18/08/2026

🏛️STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS 2026

Nakiisa ang Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Silang sa State of the Municipality Address (SOMA) ni Mayor Gen. Ted Carranza—isang mahalagang pagkakataon upang maipabatid sa mga Silangueño ang mga naging programa, proyekto, at tagumpay ng pamahalaang bayan, gayundin ang mga plano at direksiyong tatahakin tungo sa patuloy na pag-unlad ng Silang.

Ang SOMA ay hindi lamang paglalahad ng mga nagawa, kundi isang patunay ng pananagutan, malinaw na pamamahala, at matatag na layunin ng kasalukuyang administrasyon para sa kapakanan ng bawat Silangueño. Ipinakita rito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan sa pagharap sa mga hamon at pagtataguyod ng mas maunlad, inklusibo, at progresibong bayan.

Bilang kinatawan ng sektor ng kabataan, buo ang suporta ng SK Federation ng Silang sa liderato ni Mayor Gen. Ted Carranza. Patuloy kaming magiging katuwang ng kanyang administrasyon sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad, proteksiyon, at makabuluhang partisipasyon para sa kabataang Silangueño.

Sa iisang hangarin at sama-samang pagkilos, patuloy nating itaguyod ang isang pamahalaang may malasakit, pananagutan, at tunay na serbisyo—para sa kabataan, para sa bawat Silangueño, at para sa mas maunlad na Bayan ng Silang.

Congratulations, Mayor Gen. Ted Carranza! 💙❤️💛

HAPPY BIRTHDAY, SKC CARL 🎂🥳Maligayang kaarawan kay Hon. Carl David B. Andaya, SK Chairperson ng Barangay Narra II!Ang iy...
16/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, SKC CARL 🎂🥳

Maligayang kaarawan kay Hon. Carl David B. Andaya, SK Chairperson ng Barangay Narra II!

Ang iyong tapang, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod ay patunay na ang tunay na lider-kabataan ay may boses, tapang, at pusong inuuna ang kapakanan ng nakararami.

Nawa’y manatili kang matatag sa iyong mga ipinaglalaban at patuloy na maging inspirasyon sa kabataang Silangueño. Marami ka pang laban na ipapanalo at serbisyong maihahatid!

Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Silang 💙❤️

16/08/2026

🇵🇭 ANG PAG-UNLAD NG SILANG AY KWENTO NG BAWAT SILANGUEÑO

Sa bawat serbisyong naihatid, proyektong naisakatuparan, at pangarap na unti-unting nabibigyang-buhay, naroon ang puso at pagkakaisa ng sambayanang Silangueño.

Sabay-sabay nating tunghayan ang State of the Municipality Address ng ating butihing Alkalde ng Bayan ng Silang, Hon. Gen. Edward E. Carranza (Ret.), ngayong Agosto 17 sa ganap na ika-4 ng hapon na gaganapin sa AIIAS Auditorium. Sama-sama nating balikan ang mga hakbang na ating nalampasan at ang mga bagong landas na tatahakin tungo sa mas maunlad, mapagkalinga, at nagkakaisang Bayan ng Silang

Buong-pusong inaanyayahan ang lahat ng SK Chairpersons mula sa 64 na barangay ng Silang na makiisa sa mahalagang pagtitipong ito. Bilang mga tinig at pag-asa ng kabataan, ang inyong presensya ay sagisag ng pakikiisa sa paghubog ng isang bayang may malasakit, direksiyon, at matatag na kinabukasan.

Sapagkat ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi lamang ipinapahayag—ito ay isinasabuhay sa paglilingkod, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos.

Ibalik natin ang pagmamahal sa Bayan ng Silang 🇵🇭❤️

16/08/2026

ACACIA GOT TALENT 2026
SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY ACACIA

Address

New Silang Municipal Hall
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Federation ng Silang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share