30/04/2026
Matagumpay na naisagawa ang Earthquake Drill at Basic First Aid Training para sa mga estudyante mula sa University of Eastern Philippines (UEP) bilang bahagi ng kanilang NSTP Community Service.
Sa pakikipagtulungan ng MDRRMO at ng BFP, naibahagi ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa tamang pagtugon sa oras ng sakuna, lalo na sa lindol at pagbibigay ng paunang lunas.
Maraming salamat sa mga estudyante ng UEP sa kanilang aktibong pakikiisa at kooperasyon. Nawa ay magamit ninyo ang inyong mga natutunan sa totoong sitwasyon.
Patuloy nating isulong ang pagiging handa at ligtas na komunidad.
📅 Date: April 30 2026
📍 Location: Evacuation Center Pob 1, Silvino lubos