22/03/2026
ISANG HULING MISYON | SSLG β25-β26
βNoong ika-21 ng Marso 2026, buong puso at sama-samang pagkakaisa, inilunsad ng SSLG ang isang makabuluhang donation drive para sa ating mga kababayan sa Barangay Sinonoc, ang donation drive na ito ay magkaisang pinagtulungan ng SSLG at mga estudyanteng magtatapos mula sa Grade 12 ACACIA gamit ang kanilang nalikom na pera mula sa kanilang Entrepreship subject. Sa pagtutulungan at matibay na samahan, ang munting pagsisikap ng bawat isa ay nagbunga naghatid tayo ng maliit na tulong na may malaking halaga para sa mga nangangailangan.
βSa bawat supot na puno ng handog, kaakibat nito ang mga ngiting nag-uumapaw ng pasasalamat mga ngiti na mas maliwanag kaysa sa sikat ng araw, kahit na sa ilalim ng init at pagod. Hindi nagpapigil ang ating mga SSLG officers, patuloy silang naglakbay, nag-abot ng kanilang munting tulong, at nagbigay ng LIWANAG sa puso ng bawat nakatanggap sa simpleng pagkilos, sa simpleng pagtutulungan, ay nabuo ang diwa ng bayanihan isang di-mabilang na kwento ng malasakit, pagmamahal, at pag-asa.
Lubos na pasasalamat sa mga estudyante ng Grade 12 Acacia kaagapay ang kanilang Entrepreneurship subject teacher na si Maβam Pricy E. Siao, ang inyung simpleng pakikibaka ay naghatid ng lubos na kasiyahan at tulong sa ating kapwa.
SERBISYONG TAPAT NA GALING SA PUSO.
HANGGANG SA MULI SSLG 2025-2026, TUNAY NA KAYO ANG LIWANAG SA DILIMπ.