05/06/2026
π’ PUBLIC ADVISORY π’
June 5, 2026 (Friday)
Patuloy pong isinasagawa ng Traffic Management Office (STMO) at PNP Siniloan Municipal Police Station ang verification at inspection ng mga sumusunod:
β
Franchise (MTFRB) / TODA
β
Special Permit
β
Service Vehicle Sticker
β
Public Utility Sticker (JODA)
β
Courier Service Sticker (Delivery Rider)
β
Driver's License
β
At iba pang kaugnay na dokumento at permit
π’ PAALALA SA MGA TRICYCLE OPERATORS AT DRIVERS π’
Ang mga trisikulong hindi pa nakapagre-renew ng kanilang prangkisa ay inaasahang makapag-renew sa mga susunod na araw upang maiwasan ang paglabag at aberya sa pamamasada.
Paalala rin po sa lahat ng may prangkisang tricycle na kinakailangang nakapaskil at madaling makita sa loob ng sasakyan ang mga sumusunod:
β
Taripa ng pamasahe
β
MTOP I.D. ng driver
β
Hotline Number ng Traffic Management Office
Ang mga ito ay mahalagang pagkakakilanlan na ang inyong tricycle ay may wastong prangkisa at sumusunod sa mga itinakdang alituntunin ng pamahalaang bayan.
π’ PAALALA SA MGA PASAHERO π’
Bago sumakay, tiyakin na ang inyong sinasakyang tricycle ay may:
β
Nakapaskil na Taripa
β
MTOP I.D. ng Driver
β
Hotline Number
β
Kaukulang Franchise o Permit
Makakatulong ito upang masiguro ang inyong kaligtasan at upang malaman ninyo ang tamang halaga ng pamasahe.
Inaanyayahan na rin pong kumuha ng kaukulang permit at sticker ang:
β
Private Tricycle
β
Delivery Riders
β
Business Service Vehicle
Patuloy pong magsasagawa ng paninita at operasyon ang Traffic Management Office, katuwang ang PNP Siniloan Municipal Police Station, upang mapanatili ang kaayusan sa lansangan at maisulong ang ZERO KOLORUM sa Bayan ng Siniloan.
Nagpapasalamat din po kami sa pakikipagtulungan ng PNP Siniloan Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ Marlo M. Camantigue at ng MDRRMO Siniloan sa pamumuno ni Sir RC Cajano.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa para sa mas ligtas, maayos, at disiplinadong transportasyon sa Bayan ng Siniloan. π¦ππ΅π
God Bless Siniloan!
Siniloan Traffic Management Office II