04/08/2026
Alam Mo Ba ang Business Name Registration para sa Franchise?
Kung mag-ooperate ng isang franchise business, mahalagang malaman ang tamang proseso ng Business Name (BN) Registration upang masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin ng DTI.
✔ Kailangan ba ng BN Registration ang Franchise?
Depende ito sa franchise agreement at sa pangalan ng negosyong gagamitin.
✔ Kung Gagamitin ang Franchise Brand Name
Hindi na kailangang magparehistro ng business name na eksaktong kapareho ng rehistradong trademark o franchise brand name ng franchisor. Gayunpaman, maaaring kailanganin ang kaukulang dokumento o pahintulot mula sa franchisor bilang patunay ng karapatang gamitin ang brand.
✔ Kung Magdadagdag ng Proprietary Name
Kung ang franchisee ay gagamit ng sariling proprietary name kasama ng franchise brand name, ang proprietary name ay kailangang mairehistro sa DTI.
💡 Tandaan:
Ang Business Name Registration ay hindi kapalit ng franchise agreement o pahintulot mula sa franchisor.
Siguraduhing mayroon kayong wastong
authorization bago gamitin ang franchise brand name sa inyong negosyo.
Mahalagang maunawaan ang tamang registration requirements upang maiwasan ang anumang abala sa pagnenegosyo.
Start your negosyo journey today —
Register online with BNRS at bnrs.dti.gov.ph