Secretary Oms

Secretary Oms Position are temporary
Rank & Title are limited
But the way U treat people will always be remembered

CALENDAR OF ACTIVITIESBARANGAY & SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS 2026 ✍️
26/02/2026

CALENDAR OF ACTIVITIES

BARANGAY & SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS 2026 ✍️

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang pagiging lawyer, pero nang napasubo ako sa larangan ng minutes, reso, reports, et...
12/02/2026

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang pagiging lawyer, pero nang napasubo ako sa larangan ng minutes, reso, reports, etc... kahit papaano may natutunan tayong aral sa mga maling tao at di marunong makontento ✍️

char### hugot yarn 😆😅

📣 PALIWANAG: Anti-Epal Drive ng DILG at Liga ng mga BarangayAng abisong ito ay paalala sa lahat ng barangay na sundin an...
10/02/2026

📣 PALIWANAG: Anti-Epal Drive ng DILG at Liga ng mga Barangay

Ang abisong ito ay paalala sa lahat ng barangay na sundin ang LIGA National Circular No. 2026-002, bilang suporta sa Anti-Epal Drive ng DILG Philippines.

🔍 Ano ang ibig sabihin nito?
Lahat ng opisyal na dokumento at materyales ng barangay ay dapat:
👉 kumakatawan sa institusyon ng barangay,
👉 hindi sa isang tao o opisyal.

Ibig sabihin, ang barangay ay nagsisilbi para sa publiko, hindi para sa pagpapakilala o pagpapasikat ng sinumang opisyal.

❌ Ano ang ipinagbabawal?

Sa mga opisyal na barangay issuances, HINDI DAPAT:
• may pangalan ng Punong Barangay o opisyal (maliban sa pumipirma),
• may larawan o mukha ng opisyal,
• may imahe, logo, palayaw, o pagkakakilanlan ng isang opisyal.

📌 Tandaan:
👉 Pinapayagan pa rin ang pangalan ng pumipirma sa dokumento (hal. Punong Barangay o Kalihim) dahil bahagi ito ng legal na proseso.

📄 Saan ito saklaw?

Ang patakarang ito ay sakop ng lahat ng opisyal na komunikasyon, tulad ng:
• Barangay certificates
• Barangay IDs
• Announcements at advisories
• Tarpaulin at signage
• Iba pang opisyal na materyales ng barangay

⚠️ Ano ang mangyayari kapag hindi sinunod?

Ang barangay o opisyal na lalabag ay maaaring:
👉 i-report sa City o Municipal Liga Chapters
para sa kaukulang aksyon.

🎯 Layunin ng patakarang ito

✔️ Maayos at propesyonal na pamamahala
✔️ Tapat, makatarungan, at transparent na serbisyo
✔️ Mas mataas na tiwala ng mamamayan sa barangay at lokal na pamahalaan

Address

Malambuhangin
Siocon
7120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Secretary Oms posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share