29/03/2026
1st Quarter Barangay Assembly Day 2026 ✨
Matagumpay na naisagawa ang ating 1st Quarter Barangay Assembly Day kung saan nagkaisa ang ating komunidad upang talakayin ang mga mahahalagang usapin, programa, at proyekto para sa patuloy na kaunlaran ng ating barangay.
Lubos po nating pinasasalamatan ang ating panauhing tagapagsalita mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Sipocot sa pagbibigay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa fire safety, disaster preparedness, at tamang pag-iwas sa sakuna. Malaki po ang naitulong ng inyong mensahe upang mas mapanatili nating ligtas ang bawat tahanan sa ating komunidad.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo, nakibahagi, at sumuporta sa ating programa. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng ating pagkakaisa at malasakit sa Barangay Lipilip.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.