28/05/2026
PCOL OLALIA, PD CSPPO, ININSPEKSIYON ANG SECURITY DEPLOYMENT PLAN SA IKALAWANG ARAW NG KAOGMA FESTIVAL 2026
Camp Colonel Juan Q. Miranda, Camarines Sur โ Personal na ininspeksyon ni PCOL Virgilio O Olalia, Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), ang ipinatutupad na security deployment plan sa ikalawang araw ng Kaogma Festival 2026 na ginanap sa Uptown, Pili, Camarines Sur ngayong Mayo 27, 2026.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kahandaan ng mga naka-deploy na kapulisan at iba pang force multipliers upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at seguridad ng mga residente at libu-libong festival goers na dumadalo sa selebrasyon.
Ayon kay PCOL Olalia, mahalaga ang mahigpit na koordinasyon at mataas na antas ng pagbabantay upang masiguro ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng Kaogma Festival 2026. Patuloy rin niyang pinaalalahanan ang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance, professionalism, at maagap na pagtugon sa anumang insidente.
Patuloy namang nakaalerto ang buong puwersa ng CSPPO katuwang ang ibaโt ibang ahensya upang masiguro ang ligtas at matiwasay na selebrasyon ng Kaogma Festival 2026.
โ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ท๐ต๐ท ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐, ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐.โ
PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police
Camarines Sur Ppo Pnp