19/09/2026
Week 37/ September 20, 2026 | Bilang pagtalima sa DILG Memorandum Circular 2024-001 Kalinisan sa Bagong Pilipinas, nagsagawa ng Sabayang Paglilinis sa Barangay BATONG DALIG, Socorro, Silangang Mindoro, sa pangunguna ni Hon, LETICIA M. PITA Punong Barangay.
Ginawa ang paglilinis sa Sitio Centro II nagwalis ng magkabilang gilid ng kalsada at nagtalas ng mga sanga ng kakawati at dahon ng saging na nakahapay sa may kalsada.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng 6 na Sanggbunian 6 na tanod 6 bhw na may kabuuang na 18 na tao.
Nakapangolekta ng 5 kilo na katumbas ng 1/2 sako ng damo at plastik
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang Kalinisan ng Kapaligiran at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ibat-ibang uri ng sakit at karamdaman tulad ng Dengue.
Inaasahang higit na magiging maganda at ligtas ang mga nasasakupan ng bawat barangay bilang resulta ng programang ito.