DSWD 4Ps - Sofronio Española, Palawan

  • Home
  • DSWD 4Ps - Sofronio Española, Palawan

DSWD 4Ps - Sofronio Española, Palawan Official page of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program - Sofronio Española, established on April 7, 2026.

📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) PALAWANKung mayroon na po kayong Nationa...
11/06/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) PALAWAN

Kung mayroon na po kayong National ID (PhilSys), hinihikayat namin kayong magpa-authenticate sa DSWD Social Registry Authenticator sa pamamagitan ng BBM Serbisyo Portal.
✅ Mas mabilis na beripikasyon ng pagkakakilanlan
✅ Mas maayos na pag-update ng records
✅ Mas matitiyak na ang serbisyo at benepisyo ay napupunta sa tamang tao
✅ Suporta para sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo ng DSWD

PAANO MAGPA-AUTHENTICATE?
1️⃣ Ihanda ang inyong National ID details
2️⃣ Bisitahin ang bbmserbisyo.dswd.gov.ph
3️⃣ Ilagay ang impormasyong kapareho ng nasa inyong PhilSys record
4️⃣ Sundin ang mga tagubilin hanggang makumpleto ang authentication process

📌 Ang authentication gamit ang National ID ay mahalagang hakbang upang mapanatiling tama, updated, at beripikado ang inyong impormasyon sa Social Registry.

📍 Para sa iba pang detalye at gabay sa proseso, makipag-ugnayan sa inyong Municipal Link o bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng 4Ps sa inyong lugar.

Kung may National ID ka na, magpa-authenticate na ngayon!

𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝟒𝐏𝐬, 𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬: 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚.Taos-pusong pagbati mula sa 𝐃𝐒𝐖𝐃 - 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐰𝐢𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 ...
09/06/2026

𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝟒𝐏𝐬, 𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬: 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚.

Taos-pusong pagbati mula sa 𝐃𝐒𝐖𝐃 - 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐰𝐢𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐒𝐨𝐟𝐫𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐄𝐬𝐩𝐚ñ𝐨𝐥𝐚, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 sa mga nag sipag tapos sa kolehiyo ngayong taon.

Sa ating mga magulang o grantees na nagbalik-aral at matagumpay na nakapagtapos habang kasabay na pinagtataguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak, at sa mga monitored children na matagumpay na naabot ang mahalagang yugto ng kanilang edukasyon—ang inyong tagumpay ay isang buhay na inspirasyon.

Ang inyong pagtatapos ay hindi lamang bunga ng sipag at tiyaga, kundi patunay rin ng katatagan ng loob sa harap ng iba't ibang hamon. Sa bawat sakripisyo, pagsusumikap, at pangarap na inyong pinanghawakan, ipinakita ninyo na ang edukasyon ay nananatiling susi sa mas magandang kinabukasan.

Sa lahat ng nagtapos sa kolehiyo na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), buong puso naming ipinagmamalaki ang inyong tagumpay. Nawa’y magsilbi ang inyong kuwento bilang inspirasyon sa iba pang kabataan, magulang, at pamilyang patuloy na nangangarap. Patunay kayo na ang edukasyon ay nananatiling isa sa pinakamakapangyarihang daan upang maputol ang siklo ng kahirapan at makabuo ng mas magandang bukas.

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲𝐨, 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!




Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps Department of Social Welfare and Development - DSWD REX Gatchalian

🚨 CALLING THE ATTENTION OF EVERYONE 🚨📢 MISSING PERSONHumihingi po kami ng tulong sa paghahanap kay JONEBOY CONDI, na mas...
07/06/2026

🚨 CALLING THE ATTENTION OF EVERYONE 🚨

📢 MISSING PERSON

Humihingi po kami ng tulong sa paghahanap kay JONEBOY CONDI, na mas kilala sa alyas na “Boy-Boy.”

Mahigit isang buwan (1 month) na po siyang nawawala. Ayon sa kanyang paalam sa kanyang biyanan, siya ay pupunta lamang upang magtrabaho. Subalit, napag-alaman na wala naman siya sa lugar na kanyang sinabing pagtatrabahuhan, at hanggang ngayon ay wala pa rin pong balita tungkol sa kanyang kinaroroonan.

Kung sino man po ang nakakakilala, nakakita, o may anumang impormasyon tungkol kay Joneboy Condi, makikiusap po kami na agad makipag-ugnayan sa alinman sa mga sumusunod na numero:

📞 Reneboy Condi – 0952 625 6821
📞 Jessica T. Florido – 0905 091 8058
📞 Delfin R. Endrecoso (Punong Barangay, Barangay Punang, Sofronio Española) – 0965 148 4176

🙏 Anumang impormasyon ay malaking tulong upang siya ay matagpuan at makauwi nang ligtas sa kanyang pamilya.

Pakibahagi (Share) po ang post na ito upang mas marami ang makaratingan ng impormasyon. Maraming salamat po. 🙏💙

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝟒𝐏𝐬 𝐒𝐨𝐟𝐫𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐄𝐬𝐩𝐚𝐧̃𝐨𝐥𝐚, 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 “𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀” 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐭 𝐀𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐍𝐀𝐒) 𝐧𝐠 𝟒...
05/06/2026

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝟒𝐏𝐬 𝐒𝐨𝐟𝐫𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐄𝐬𝐩𝐚𝐧̃𝐨𝐥𝐚, 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 “𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀” 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐭 𝐀𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐍𝐀𝐒) 𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan – Sa panahon kung kailan maraming kabataan ang nahaharap sa iba’t ibang hamon na nagiging dahilan ng kanilang paghinto sa pag-aaral, mahalagang paigtingin ang mga hakbang upang matiyak na walang batang maiiwan sa landas ng edukasyon. Ito ang layunin ng kampanyang “Bata Balik Eskwela (BBE)” ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang inisyatibang naglalayong maibalik sa paaralan ang mga batang natukoy bilang Not Attending School (NAS).

Bilang pakikiisa sa kampanyang ito, nagsagawa ang DSWD 4Ps Sofronio Española ng serye ng mga intervention activities tulad ng home visits, family conferences, counseling sessions, at motivational activities. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, personal na nakausap ng mga Municipal Links ang mga bata at kanilang mga magulang upang maunawaan ang mga dahilan ng hindi pagpasok sa paaralan at makapagbigay ng nararapat na suporta upang sila ay muling makapag-enroll sa darating na pasukan.

Higit pa sa simpleng paghikayat na bumalik sa eskwela, ipinapakita ng kampanyang ito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamilya, paaralan, pamahalaang lokal, at komunidad sa paghubog ng kinabukasan ng bawat bata. Sa pakikipag-ugnayan ng 4Ps staff sa mga paaralan, barangay officials, at iba pang partner stakeholders, nagiging mas mabilis at mas epektibo ang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga batang NAS.

Ang edukasyon ay isang pangunahing karapatan at mahalagang susi upang makalaya sa siklo ng kahirapan. Kapag ang isang bata ay napipigilang makapag-aral, hindi lamang ang kanyang kinabukasan ang nalalagay sa alanganin kundi maging ang potensyal na maiaambag niya sa kanyang pamilya at komunidad.

Sa huli, ang “Bata Balik Eskwela” ay isang paalala na ang bawat batang Pilipino ay nararapat magkaroon ng pagkakataong matuto, mangarap, at magtagumpay. Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad, mas marami pang kabataan ang mabibigyan ng pag-asa at pagkakataong makamit ang isang mas maliwanag na kinabukasan.



❤️

Board topnotchers, Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps! 🎓Patuloy na pinatutunayan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pil...
04/06/2026

Board topnotchers, Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps! 🎓
Patuloy na pinatutunayan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ang edukasyon ay daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Mula 2017 hanggang 2026, umabot na sa 244 na 4Ps beneficiaries ang naging mga topnotcher sa iba't ibang licensure examinations sa bansa—patunay na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay kayang magbukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat kabataang Pilipino.
Kabilang sa mga pagsusulit na may pinakamaraming 4Ps topnotchers ang:
📚 Licensure Examination for Teachers (LET) – Elementary Level – 89
📚 Licensure Examination for Teachers (LET) – Secondary Level – 75
📚 Social Worker Licensure Examination (SWLE) – 29
Nanguna naman sa bilang ng mga topnotchers ang:
🏆 Field Office VII – 44
🏆 Field Office I – 31
🏆 Caraga Region – 25
Ang bawat tagumpay na ito ay sumasalamin sa pangarap, pagsisikap, at katatagan ng mga pamilyang 4Ps. Higit sa mga titulo at karangalan, ang kanilang mga kuwento ay inspirasyon na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng tagumpay.
🎉 Binabati ng DSWD at ng 4Ps ang lahat ng licensure examination topnotchers na nagsilbing huwaran ng kahusayan at inspirasyon sa kanilang mga komunidad.
Mula sa pagiging monitored children ng 4Ps tungo sa pagiging mga propesyonal at topnotchers—tunay na Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps!
Kung kayo po ay may kakilalang 4Ps beneficiary na ngayon ay board topnotchers or passers na, ipaalam iyan sa inyong city/municipal link!




Board topnotchers, Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps! 🎓

Patuloy na pinatutunayan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ang edukasyon ay daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Mula 2017 hanggang 2026, umabot na sa 255 na 4Ps beneficiaries ang naging mga topnotcher sa iba't ibang licensure examinations sa bansa—patunay na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay kayang magbukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat kabataang Pilipino.

Kabilang sa mga pagsusulit na may pinakamaraming 4Ps topnotchers ang:
📚 Licensure Examination for Teachers (LET) – Elementary Level – 90
📚 Licensure Examination for Teachers (LET) – Secondary Level – 78
📚 Social Worker Licensure Examination (SWLE) – 30

Nanguna naman sa bilang ng mga topnotchers ang:
🏆 Region 7 – 44
🏆 Caraga Region – 33
🏆 Region 1 – 31

Ang bawat tagumpay na ito ay sumasalamin sa pangarap, pagsisikap, at katatagan ng mga pamilyang 4Ps. Higit sa mga titulo at karangalan, ang kanilang mga kuwento ay inspirasyon na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng tagumpay.

🎉 Binabati ng DSWD at ng 4Ps ang lahat ng licensure examination topnotchers na nagsilbing huwaran ng kahusayan at inspirasyon sa kanilang mga komunidad.

Mula sa pagiging monitored children ng 4Ps tungo sa pagiging mga propesyonal at topnotchers—tunay na Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps!

Kung kayo po ay may kakilalang 4Ps beneficiary na ngayon ay board topnotchers or passers na, ipaalam iyan sa inyong city/municipal link!





𝐒𝐎𝐅𝐑𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐄𝐒𝐏𝐀𝐍̃𝐎𝐋𝐀, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍 | 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐀𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐌𝐈𝐀𝐂) 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨...
02/06/2026

𝐒𝐎𝐅𝐑𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐄𝐒𝐏𝐀𝐍̃𝐎𝐋𝐀, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍 | 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐀𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐌𝐈𝐀𝐂) 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐄𝐱𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝𝐬

Matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Municipal Inter-Agency Council (MIAC) Meeting at Municipal Case Conference for Exiting Households sa Bayan ng Sofronio Española, Palawan. Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Hon. Mayor Abner Rafael N. Tesorio, Municipal Mayor; Ms. Mary Grace B. Dela Torre, Municipal Social Welfare and Development Officer; Ms. Mary Jane Virrey, Public Schools District Supervisor; Pastor Crisigono V. Dela Torre ng United Tribal Ministry; Mr. Mohammad Itin, Assistant Local Disaster Risk Reduction and Management Office; Mr. Rolet Suanque, Officer-in-Charge ng Municipal Agriculture Office; at Mr. Sem Tingson, Municipal Civil Registrar. Dumalo rin sa pagpupulong ang mga Punong Barangay ng Sofronio Española, mga miyembro ng Municipal Inter-Agency Council, at iba pang kinatawan mula sa mga katuwang na ahensya at organisasyon.

Layunin ng pagpupulong na magbigay ng mahahalagang updates hinggil sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), higit pang mapalakas ang koordinasyon at kolaborasyon ng iba't ibang ahensya, at talakayin ang kalagayan ng mga pamilyang nakatakdang magtapos o lumabas sa programa. Naging mahalagang plataporma rin ito upang masuri ang mga hamon at pangangailangan ng mga exiting households at matukoy ang mga angkop na interbensyon, referral services, at suportang maaaring maibigay ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaan at mga partner stakeholders.

Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing patunay ng matibay na ugnayan at sama-samang pagkilos ng mga ahensya at mga stakeholder sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at epektibong paghahatid ng serbisyo. Sa patuloy na pagkakaisa at kooperasyon, mas napapalakas ang mga inisyatibong naglalayong mapabuti ang kalagayan at kalidad ng buhay ng bawat pamilyang 4Ps sa Bayan ng Sofronio Española, Palawan.



𝐅𝐞𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲: Brigada towards opening classes, building dreamsAs schools across the country prepare to welcome millions...
30/05/2026

𝐅𝐞𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲: Brigada towards opening classes, building dreams

As schools across the country prepare to welcome millions of learners for school year 2026-2027, the opening of classes once again serves as more than just the start of another academic year.

For many children from poor families, it is also the beginning of new opportunities, renewed hope, and dreams waiting to be achieved.

This is why the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) continues to strengthen its support for education by encouraging families and communities to become active partners in ensuring that children remain in school and complete their studies.

Read more: https://pantawid.dswd.gov.ph/2026/05/brigada-towards-opening-classes-building-dreams/


📢 PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps 📢Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikaya...
29/05/2026

📢 PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps 📢

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.

Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.

Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

💙 Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.





𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝟒𝐏𝐬, 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨’𝐲 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧! 🎓✨Taos-pusong pagbati mula sa Department of Social Welfare and Development (D...
28/05/2026

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝟒𝐏𝐬, 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨’𝐲 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧! 🎓✨

Taos-pusong pagbati mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA at Pantawid Pamilyang Pilipino Program – Regional Program Management Office (4Ps RPMO) sa daan-daang dating benepisyaryo at former monitored children ng 4Ps mula sa iba’t ibang panig ng MIMAROPA na matagumpay na nakapasa sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LET).

Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, sakripisyo ng pamilya, at matibay na paniniwalang kayang baguhin ng edukasyon ang buhay. Mula sa mga pangarap na minsang inalagaan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kayo ngayon ay ganap nang mga lisensyadong propesyonal na handang magbigay-liwanag at inspirasyon sa susunod na henerasyon.

Kayo ay buhay na patunay na ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang tagumpay. Sa bawat pangalan na nakapasa, isang pamilya, isang komunidad, at isang kinabukasan ang sabay-sabay ding umaangat.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa kapwa kabataan at Pantawid Pamilya na patuloy na mangarap, magsikap, at maniwala sa kakayahan ng sariling makamit ang mas magandang bukas.

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲𝐨, 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧! ‍👨‍🏫✨



Address

Bulubundukin, Pulot Center

5324

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD 4Ps - Sofronio Española, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share