Sangguniang Kabataan ng Barangay San Geronimo

Sangguniang Kabataan ng Barangay San Geronimo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay San Geronimo, Government Organization, San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya, Solano.

Maraming Salamat sa Aming mga Sponsors! πŸ’™Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming sponsors na sumuporta sa K...
02/03/2026

Maraming Salamat sa Aming mga Sponsors! πŸ’™

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming sponsors na sumuporta sa KKNAD 2026. Ang inyong kabutihang-loob at pagtitiwala ang naging daan upang maisakatuparan ang programang ito para sa kabataan at komunidad.
Dahil sa inyo, mas naging makabuluhan at matagumpay ang ating adhikain para sa isang komunidad na ligtas, maayos, at malayo sa nakaw at droga.

Muli, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta!

Taos-Pusong Pasasalamat sa Ating mga Guest Speakers! 🎀Lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga panauhing tagapagsalit...
01/03/2026

Taos-Pusong Pasasalamat sa Ating mga Guest Speakers! 🎀

Lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga panauhing tagapagsalita mula sa:

Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
Philippine National Police (PNP)
Bureau of Fire Protection (BFP)

Ang inyong mahalagang oras, kaalaman, at dedikasyon na ibinahagi sa aming mga kabataan ay nakapagbigay aral sa tamang paghubog ng kabataan, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at kahalagahan ng kahandaan sa anumang sakuna ay nagsilbing inspirasyon at gabay sa bawat kalahok ng programa.
Malaki po ang naging ambag ninyo sa tagumpay ng ating KKNAD 2026. Nawa’y patuloy pa po tayong magkaisa para sa mas ligtas, maayos, at mas maunlad na komunidad. Maraming, maraming salamat po!

πŠπŠππ€πƒ πŸπŸŽπŸπŸ” π’π”π‚π‚π„π’π’π…π”π‹π‹π˜ π‚πŽππ‚π‹π”πƒπ„πƒ! πŸŽ‰Matagumpay na naisakatuparan ang Kabataan Kontra Nakaw at Droga (KKNAD) 2026! Buong ...
01/03/2026

πŠπŠππ€πƒ πŸπŸŽπŸπŸ” π’π”π‚π‚π„π’π’π…π”π‹π‹π˜ π‚πŽππ‚π‹π”πƒπ„πƒ! πŸŽ‰

Matagumpay na naisakatuparan ang Kabataan Kontra Nakaw at Droga (KKNAD) 2026! Buong pusong nagpapasalamat ang buong Sangguniang Kabataan Council sa lahat ng ating mga panauhing pandangal, tagapagsalita, masisipag na kalahok, mga katuwang na ahensya, masisipag na volunteers, mapagbigay na sponsors, at sa lahat ng naglaan ng oras at suporta upang maging matagumpay ang programang ito.

Ang inyong pakikiisa at pakikilahok ay patunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. Dahil sa sama-samang pagkilos, mas napagtibay natin ang adhikaing magkaroon ng isang komunidad na ligtas, maayos, at malayo sa nakaw at droga.

Hindi lamang ito pagtatapos ng isang programa, kundi simula ng mas matatag na pagkakaisa at patuloy na pagbibigay-lakas sa kabataan.

Maraming Salamat sa inyong lahat πŸ’™

π’πŠ π’πšπ§ π†πžπ«π¨π§π’π¦π¨|πŠπŠππ€πƒ πŸπŸŽπŸπŸ”The SK San Geronimo Council actively prepares for Kabataan Kontra Nakaw at Droga 2026, reaffir...
28/02/2026

π’πŠ π’πšπ§ π†πžπ«π¨π§π’π¦π¨|πŠπŠππ€πƒ πŸπŸŽπŸπŸ”

The SK San Geronimo Council actively prepares for Kabataan Kontra Nakaw at Droga 2026, reaffirming our commitment to promote integrity, awareness, and a crime-free community.

Ang Sangguniang Kabataan ay may layuning gabayan at hubugin ang kabataan tungo sa pagiging responsableng mamamayan sa pa...
25/02/2026

Ang Sangguniang Kabataan ay may layuning gabayan at hubugin ang kabataan tungo sa pagiging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang pagnanakaw ay labag sa batas at sa moral na pamantayan ng lipunan, at ang paggamit ng ilegal na droga ay may masamang epekto sa kanilang kinabukasan.

Ang programang ito ay hindi lamang nakatuon sa adbokasiyang β€œKabataan Kontra Nakaw at Droga,” kundi sumasaklaw rin sa iba pang mahahalagang paksa, kabilang ang pagpapalakas ng kamalayan sa kalusugang pangkaisipan at ang paghahanda sa mga posibleng emergencies, lalo na sa nalalapit na panahon ng tag-init.

2nd KKNAD: Kabataan Kontra Nakaw at Droga 2026! πŸš”πŸš¨

πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐊𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐍𝐚𝐀𝐚𝐰 | πŸπŸŽπŸπŸ”Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pagnanakaw na kinasasangkutan ng mga kabataan, layunin ng S...
02/01/2026

πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐊𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐍𝐚𝐀𝐚𝐰 | πŸπŸŽπŸπŸ”

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pagnanakaw na kinasasangkutan ng mga kabataan, layunin ng SK ngayong pagsisimula ng taong 2026 na pigilan at wakasan ang ganitong gawain. Nais naming protektahan hindi lamang ang mga kabataan kundi pati ang mga biktimaβ€”sa palengke, tahanan, at sa iba pang mga lugar.

Hinihikayat din namin ang mga magulang na gabayan at turuan ang kanilang mga anak ng tamang asal at pagpapahalaga sa katapatan sa murang edad. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at maayos na komunidad.

π‘»π’‰π’Šπ’” π’Šπ’π’Šπ’•π’Šπ’‚π’•π’Šπ’—π’† π’Šπ’” 𝒂𝒏 𝒂𝒄𝒕 𝒐𝒇 π’‚π’…π’—π’π’„π’‚π’„π’š 𝒍𝒆𝒅 π’ƒπ’š 𝑺𝑲 π‘ͺπ’‰π’‚π’Šπ’“π’Žπ’‚π’ 𝑱𝒆𝒔𝒔𝒂𝒃𝒆𝒍𝒍𝒆 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒔, π’•π’π’ˆπ’†π’•π’‰π’†π’“ π’˜π’Šπ’•π’‰ 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝑲 π‘ͺπ’π’–π’π’„π’Šπ’ 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝑩π‘ͺ𝑷π‘ͺ, 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 𝒕𝒉𝒆 π’π’†π’‚π’…π’†π’“π’”π’‰π’Šπ’‘ 𝒐𝒇 𝑯𝒐𝒏. π‘΄π’Šπ’“π’“π’Šπ’‚π’Ž π‘ͺπ’‚π’“π’‚π’ˆ, π’„π’π’Žπ’Žπ’Šπ’•π’•π’†π’… 𝒕𝒐 π’ˆπ’–π’Šπ’…π’Šπ’π’ˆ 𝒕𝒉𝒆 π’šπ’π’–π’•π’‰, π’‘π’“π’π’Žπ’π’•π’Šπ’π’ˆ π’ˆπ’π’π’… 𝒗𝒂𝒍𝒖𝒆𝒔, 𝒂𝒏𝒅 π’‘π’“π’π’•π’†π’„π’•π’Šπ’π’ˆ 𝒐𝒖𝒓 π’„π’π’Žπ’Žπ’–π’π’Šπ’•π’š.

🚨 LOST DOG 🚨Kung may nakakita po, paki-surrender at ipaalam agad. Maraming salamat po sa tulong. πŸ•β€οΈ
01/01/2026

🚨 LOST DOG 🚨
Kung may nakakita po, paki-surrender at ipaalam agad. Maraming salamat po sa tulong. πŸ•β€οΈ

Halina’t makiisa! πŸŽ‰Ipinagdiriwang ang Barangay Fiesta sa Disyembre 20–21, 2025 πŸ₯³Kasiyahan, kainan, at pagkakaisa ng buon...
19/12/2025

Halina’t makiisa! πŸŽ‰

Ipinagdiriwang ang Barangay Fiesta sa Disyembre 20–21, 2025 πŸ₯³
Kasiyahan, kainan, at pagkakaisa ng buong barangay! ✨

π“œπ“ͺ𝓡𝓾𝓰𝓸𝓭 𝓷π“ͺ 𝓹π“ͺ𝓰𝓫π“ͺ𝓽𝓲 ✨Congratulations, SK Kagawad Hon. Kimberlee D. Bongtayon, for passing the December 2025 Radiologic Te...
18/12/2025

π“œπ“ͺ𝓡𝓾𝓰𝓸𝓭 𝓷π“ͺ 𝓹π“ͺ𝓰𝓫π“ͺ𝓽𝓲 ✨

Congratulations, SK Kagawad Hon. Kimberlee D. Bongtayon, for passing the December 2025 Radiologic Technologists Licensure Examination! πŸŽ‰
Your hard work and dedication truly paid off, wishing you continued success ahead!

-Greeting from SK Council

11/11/2025

Abiso sa lahat!

Stay Safe, Stay Alert. β€ΌοΈπŸš¨Our Barangay Officials are on the ground and coordinating efforts as we prepare for Typhoon Uw...
09/11/2025

Stay Safe, Stay Alert. β€ΌοΈπŸš¨

Our Barangay Officials are on the ground and coordinating efforts as we prepare for Typhoon Uwan. Please listen to official announcements, secure your homes, and prioritize your family's safety. Mag-ingat po tayong lahat!

Address

San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya
Solano
3711

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay San Geronimo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share