23/03/2026
PANAWAGAN!
Para sa lahat ng mga May ari ng lupa, bahay at iba pa o real property owners.
Ipinababatid na ang huling araw ng pag babayad ng Real Property Tax na may 10% diskwento ay sa Marso 31, 2026.
Bukod dito, ang Tax Amnesty Program ay matatapos sa Hulyo 3, 2026. Ito ay isang pagkakataon upang mabayaran ang mga hindi pa nababayarang buwis sa real property nang walang multa.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat ng kinauukulang may-ari ng ari-arian na deklarado sa Tanggapan ng Tagasuri (Assessor’s office) na bumisita sa Tanggapan ng Ingat-Yaman (Treasury Office) sa lalong madaling panahon upang mapakinabangan ang diskwento at amnestiya.
Para sa sa mga katanungan at karagdagang tulong, mangyaring magtungo sa Tanggapan ng Ingat-Yaman sa oras ng opisina mula lunes hanggang huwebes.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!
Tanggapan ng Ingat-Yaman
(Munipal Treasury Office)