24/08/2026
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๏ธ
Isang makabuluhang araw ng serbisyo, malasakit, at pangangalaga sa paningin ang isinagawa noong August 22, 2026 sa Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya, bilang bahagi ng paggunita sa Sight-Saving Month.
Sa pangunguna ni Konsi Doc Clifford Tito, katuwang ang kanyang maybahay at kapwa optometrist na si Dra. Alyanna Bumolo, naisagawa ang medical mission upang mailapit ang eye care at serbisyong pangkalusugan sa mga taga Brgy. Bangar.
Taos-puso ang aming pasasalamat kina Dra. Nikki de Mesa at Dr. Patrick Bernard Elio of Clinico Oftalmologo Vizcayano, Dra. Isobel Segocio of Angels Eye Clinic, at Rowena Magaway Constantino, MD, President of Philippine Pediatric Society โ Northeastern Luzon Chapter, sa kanilang oras, expertise, at malasakit.
Maraming salamat din sa mga Barangay Officials ng Brgy. Bangar sa kanilang pakikiisa at pagtulong upang maging matagumpay ang medical mission na ito.
Patuloy nating isulong ang pangangalaga sa paningin at kalusugan ng bawat Solanoan.
MALINAW NA PANINGIN, MALINAW NA HANGARIN. โจ
Sama-sama nating harapin ang malinaw na kinabukasan. ๐