05/09/2026
Setyembre 04, 2026
Isang makabuluhang tagumpay para sa kapayapaan at pagkakaisa!
Sa pinagsama-samang pagsisikap ng mga tauhan ng 504th MC, RMFB 5 sa pamumuno ni PMAJ ROMWILL D. MIRAS, Company Commander, kasama ang Sorsogon CPS, Bato PB, Delta Company, 22nd IB 9ID, MIT 9SAB SAF, at C**T 1 Intel Platoon, matagumpay na naaresto ang 52 taong gulang na lalaki na Wanted Person sa Bacon District, Sorsogon City sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong UNLAWFUL POSSESSION OF FIREARM UNDER SECTION 28 PARAGRAPH (C) IN RELATION TO PARAGRAPH (E) OF RA 10591 (COMPREHENSIVE FI****MS AND AMMUNITION REGULATION ACT).
Ang operasyong ito ay patunay na ang batas ay laging nananaig at walang sinuman ang makapagtatago sa kamay ng katarungan. Gayunpaman, nananatili ang ating bukas na kamay na ang pagtalikod sa landas ng dahas ay laging may kapalit na pag-asa at pagbabago. Nais naming ipaabot na may pagkakataon pa ring mamuhay nang marangal, payapa, at malaya sa takot kung pipiliin ang tamang landas.
Bukal sa aming puso ang pagsasabuhay ng ating dakilang mithiin na isang serbisyong mabilis tumugon, punong-puno ng katapatan, at tunay na nararamdaman ng bawat taong aming pinaglilingkuran!
"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas — Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!"