06/08/2026
⚖️ Paghahatid ng Kaalaman at Kaunlaran sa Bawat Negosyo! 📈
Bilang pagtupad sa mandatong itinatadhana ng Rule IV ng DOLE Department Order No. 238, Series of 2023 (patungkol sa Administration and Enforcement of Labor Standards sa ilalim ng Article 128 ng Labor Code at Republic Act No. 11058), matagumpay na idinaos kahapon, Agosto 5, 2026, ang Technical and Advisory Services Orientation para sa ating mga may-ari ng micro-business dito sa Casiguran!
Ang kaganapang ito ay pinangunahan ng DOLE Sorsogon Provincial Office katuwang ang Municipal Government ng Casiguran sa pamamagitan ng ating Public Employment Service Office (PESO).
Mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM, tinalakay ang mga mahalagang gabay at pamantayan upang matulungan ang ating mga lokal na negosyante na mapalago ang kanilang kabuhayan habang binibigyang-proteksyon ang kapakanan ng mga manggagawa. Kabilang sa mga tinalakay na paksa ang:
•Compliance with Minimum Wage
•13th-Month Pay
•Premium Pay
•Overtime Pay
•Separation Pay
•Occupational Safety and Health Standards (OSHS)
•Productivity
Maraming salamat sa DOLE Sorsogon, PESO Casiguran, at sa lahat ng ating mga micro-business owners na aktibong lumahok para sa mas ligtas, patas, at produktibong manggagawa sa ating bayan! 💪🏢