02/09/2026
๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ฆ๐ง-๐๐๐๐ข๐ | ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐ถ๐บ๐ป-๐บ๐๐๐๐๐๐๐
๐ฆ๐ผ๐ฟ๐๐ผ๐ด๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐ | Upang higit na mapalakas ang kahandaan sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa transportasyon, nagsagawa ang DOST-Sorsogon, katuwang ang DOST-Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI) at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Sorsogon, ng seminar-workshop na nakatuon sa Smart Transportation Technologies.
Tampok sa sesyon ang mga Intelligent Transportation System (ITS) technologies ng DOST-ASTI, partikular ang Swift Emergency Response Vehicle Integration System with Smart Traffic Electronic Enforcer on the Roads (sERVis-STEER) at Vision-Based Adaptive Intelligent Traffic Control with Artificial Intelligence (NAIRA-vBANT.AI). Ang aktibidad ay nagsilbing pagpapatuloy sa isinagawang on-site technical assessment ng DOST-ASTI sa mga potensyal na lugar para sa aplikasyon ng mga teknolohiyang ito sa Sorsogon City. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang ahensya at tanggapang may mahalagang papel sa emergency response, traffic management, at public safety, kabilang ang Provincial at City DRRMO, PNP, BFP, DPWH, City Health Office, ICTO, SK3 at iba pang katuwang na tanggapan. Sa kabila nito, nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang Provincial Science and Technology Offices (PSTOs) sa pamamagitan ng Zoom.
Layunin ng seminar-workshop na mabigyan ang mga kalahok ng mas malalim na pag-unawa sa mga makabagong ITS technologies at sa kanilang potensyal na aplikasyon upang pahusayin ang traffic management, road safety, at emergency response sa Sorsogon City.
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ