01/06/2026
๐โโ๏ธ๐ COLOR FUN RUN 2026 ๐๐โโ๏ธ
Ngayong araw, Hunyo 1, 2026, ganap na alas 6:00 ng umaga matagumpay na idinaos ang Color Fun Run sa Barangay San Sebastian, Sta. Magdalena bilang opisyal na pagbubukas ng mga gawain para sa pagdiriwang ng ating Taunang Fiesta.
Dinaluhan ito ng mga residente, kabataan, mga opisyal ng barangay, at iba pang mga kalahok na buong siglang nakibahagi sa nasabing aktibidad. Layunin ng Fun Run na isulong ang kalusugan, pagkakaisa, at pakikiisa ng komunidad bilang paghahanda sa mga susunod pang programa at pagdiriwang ng pista.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa lahat ng mga nakilahok, sumuporta, at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito, isa na dito ang BFP Sta Magdalena. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapagtibay ang samahan at pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Barangay San Sebastian.
Mabuhay ang Barangay San Sebastian!
Maligayang Taunang Fiesta!๐๐
โNagkakaisa sa Kalusugan, Nagkakaisa sa Pagdiriwang.โ
__________________
For more updates:
San Sebastian Sta. Magdalena Sorsogon