OPAg Sorsogon

OPAg Sorsogon Official FB page of the Office of the Provincial Agriculturist Sorsogon

email: [email protected]

4 kabataang magsasaka’t mangingisda mula sa Probinsya ng Sorsogon ang itinanghal na Provincial Awardees ng Kagawaran ng ...
30/08/2026

4 kabataang magsasaka’t mangingisda mula sa Probinsya ng Sorsogon ang itinanghal na Provincial Awardees ng Kagawaran ng Pagsasaka sa 2026 Young Farmers Challenge (YFC) Program - Start-up (Open Category). Sila ang nangibabaw sa isinagawang sa YFC Program Provincial Selection and Screening Competition for Start-up Component ngayong buwan ng Agosto 2026.

Mula sa 87 aplikante sa buong Bicol, 45 kabataan ang naging Provincial Awardees, pinatunayan ng mga kabataang ito ang kanilang husay at potensyal sa agribusiness sa pamamagitan ng kanilang entrepreneurial attributes, innovativeness, maayos na revenue stream, value addition, at mga inisyatiba para sa social responsibility sa kanilang mga iminungkahing agri-fishery enterprises.

Bilang Provincial Awardees, bawat isa ay makakatanggap ng ₱80,000 na panimulang puhunan para sa kanilang iminungkahing inobatibong agri-fishery enterprise. At hindi pa rito nagtatapos dahil magkakaroon din sila ng pagkakataong lumaban sa Regional Level sa Nobyembre 2026, kung saan maaari silang makakuha ng karagdagang ₱150,000 na puhunan.

~ Department of Agriculture-Bicol

28/08/2026
Agosto 25, 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agricultu...
25/08/2026

Agosto 25, 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at mga programang 7K Kadunungan at 7K Kabuhayan ng written examination at interview para sa mga aplikante ng Agricultural Know-how to Initiate Farming Developments in Sorsogon o AgriKIDS Program.

Idinaos ang aktibidad sa Farmer’s Training Center (FTC), Sorsogon State University Castilla Campus bilang bahagi ng pagpili ng mga kabataang Sorsoganon na bibigyan ng pagkakataong makapag-aral at makatulong sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa lalawigan. Ang pagsusulit at panayam sa mga aplikante ay naisakatuparan sa tulong ng mga AgriMentors, Core Planning Team, at Technical Working Group ng AgriKIDS.

Nagsagawa ng pagbisita at pagpupulong ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist Sorsogon noong Agosto 13-...
25/08/2026

Nagsagawa ng pagbisita at pagpupulong ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist Sorsogon noong Agosto 13-14, 2026 sa Brgy. Gate, Bulan. Pinangunahan ito ni Dr. Maria Teresa V. Destura, kasama si Atty. Levi Barcelona, at Engr. Hiroshi de Vera mula sa Office of the Provincial Agriculture and Biosystems Engineering.

Nakipagpulong sila sa mga Barangay Officials at mga magsasaka, at sinamahan din ng mga kawani mula sa Municipal Agriculture Office Bulan.

Sa pangunguna ng OPAg Sorsogon, nagkaroon ng pay-forward ng UMA Project sa mga benepisyaryo. Nagbigay ng itik sa mga kwa...
25/08/2026

Sa pangunguna ng OPAg Sorsogon, nagkaroon ng pay-forward ng UMA Project sa mga benepisyaryo. Nagbigay ng itik sa mga kwalipikadong magsasaka ng Batch 2 upang mapalago pa ang poultry component ng proyekto.

Mga nagbigay at tumanggap:

1. G. Domingo Laceda (Brgy. Tughan, Juban) to G. Arnold Abinoja (Brgy. Binanuahan, Juban) (mallard duck)

2. G. Florencio Huertas (Casiguran) to Gng. Ma Jaena Griarte ( Sorsogon City) (11 mallard duck)

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga itik, mas napapalakas ang poultry production at mas napapalalim ang ugnayan ng komunidad. Lubos na nagpapasalamat ang OPAg Sorsogon sa mga farmer-cooperators ng Batch 1 sa kanilang pagbibigay para sa Batch 2.

Agosto 14, 2026, nagkaroon ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo sa likod ng Sangguniang Panglalawigan Building. Ito p...
14/08/2026

Agosto 14, 2026, nagkaroon ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo sa likod ng Sangguniang Panglalawigan Building. Ito pinangunahan ng OPAg Sorsogon. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng OPAg sa mga nakiisa at patuloy na tumatangkilik sa mga produkto ng ating mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante para palakasin ang kanilang kabuhayan at patatagin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at komunidad.

Mga Aktibidad ng OPAg! Agosto 12, 2026▪︎ Pagpupulong ng Fisheries Technical Personnel kasama si SP Member Mr. Benito "Bo...
13/08/2026

Mga Aktibidad ng OPAg!

Agosto 12, 2026
▪︎ Pagpupulong ng Fisheries Technical Personnel kasama si SP Member Mr. Benito "Boytee" Doma, Chairman ng SP Committee on Agriculture, Fisheries and Food Security.

▪︎ Coordination Meeting ng Agri-KIDS Vice Chairperson at Planning Core Team kasama ang bagong Campus Director ng SorSU Castilla Campus, Dr. Milagros Ebuenga, at kanyang staff para sa Agri-KIDS Program Batch 3 at monitoring ng agri-enterprise.

Agosto 13, 2026
▪︎ Briefing ng Kadiwa ng Pangulo at P20 Rice Project kasama ang Municipal Administrator ng Juban, Atty. Relina Arellano at OIC Municipal Agriculturist Mr. Ranie Desabayla.

▪︎ Preparatory activities para sa Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo.

Address

2nd Floor Capitol Building, Sorsogon City
Sorsogon
4700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639190020446

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OPAg Sorsogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OPAg Sorsogon:

Shortcuts

Share