PNP Sorsogon Police Provincial Office

PNP Sorsogon Police Provincial Office The official FB page of Sorsogon Police Provincial Office

Public Safety Advice!Ligtas ang may alam!
14/06/2026

Public Safety Advice!
Ligtas ang may alam!



๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐šPinangunahan ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director ng Sorsogon PPO...
14/06/2026

๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š

Pinangunahan ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director ng Sorsogon PPO, ang pagdalo sa Banal na Misa kasama ang mga personnel ng Sorsogon PPO bilang bahagi ng kanilang lingguhang pagpapalalim ng pananampalataya.

Naging daan ang banal na pagdiriwang upang mapatatag ang espirituwal na pundasyon ng bawat kawani sa kanilang tungkulin sa paglilingkod.

Sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin, higit na pinagtibay ang pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa.

Patuloy na isinusulong ng Sorsogon PPO ang balanseng paglilingkod na nakaugat sa pananampalataya at dedikasyon sa bayan.



๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ข๐ฆ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐งSa ilalim ng pamumuno ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director, nak...
14/06/2026

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ข๐ฆ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director, nakiisa ang mga personnel ng Sorsogon PPO sa isinagawang National Synchronized Tree Planting Activity sa Buhatan East District, Sorsogon City bilang bahagi ng adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Nanguna sa aktibidad ang mga kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iba pang stakeholder na nagkaisa upang isulong ang pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili ng balanseng ekolohiya. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punla, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.

Ang aktibidad ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos tungo sa mas malinis at luntiang kapaligiran. Higit pa sa pagtupad ng tungkulin, ipinamalas ng mga personnel ng Sorsogon PPO ang kanilang malasakit sa kalikasan at sa kapakanan ng komunidad.

Patuloy na nakikiisa ang Sorsogon PPO sa mga gawaing nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran, pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor, at napapanatiling kaunlaran para sa mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan.



45 ANYOS NA BABAE ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SORSOGON CITY SORSOGON CITY โ€“ Isang hinihinalang Street Level Indivi...
13/06/2026

45 ANYOS NA BABAE ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SORSOGON CITY

SORSOGON CITY โ€“ Isang hinihinalang Street Level Individual (SLI) ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Sorsogon City Police Station Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Unit ng Sorsogon Police Provincial Office sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-12:10 ng tanghali nitong Hunyo 12, 2026, sa Sorsogon City.

Ayon sa ulat, matagumpay na naaresto ang 45 anyos na babaeng suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng buy-bust money na nagkakahalaga ng isang libong piso (โ‚ฑ1,000.00).
Narekober mula sa operasyon ang mga hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.15 gramo at may tinatayang Dangerous Drugs Board (DDB) street value na โ‚ฑ1,020.00.

Isinagawa ang pagmamarka, pagkuha ng litrato, at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa presensya ng suspek at ng mga kinatawan mula sa media, Department of Justice (DOJ), at isang halal na opisyal ng barangay alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Naipabatid sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan at siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sorsogon CPS para sa kaukulang disposisyon. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa pagsusuri ng Provincial Forensic Unit, habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Office of the Provincial Prosecutor sa Sorsogon City.

Muling pinagtitibay ng Sorsogon Police Provincial Office ang kanilang paninindigan sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na lalawigan.



๐Š๐€๐’๐”๐‘๐Ž๐† ๐ƒ.๐„.๐€.๐‘.: ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š, ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌBilang pagtalima sa direktiba ng PRO5 ukol sa Earthquake Prepared...
12/06/2026

๐Š๐€๐’๐”๐‘๐Ž๐† ๐ƒ.๐„.๐€.๐‘.: ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š, ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ

Bilang pagtalima sa direktiba ng PRO5 ukol sa Earthquake Preparedness and Capability, tiniyak ng Pulis Kasanggayahan ang mataas na antas ng kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga earthquake safety protocols.

Isinagawa rin ang accounting ng mga KASUROG D.E.A.R. contingents at masusing inspeksyon ng mga disaster response assets, kagamitan, communication devices, rescue tools, at iba pang logistical resources upang matiyak ang agarang pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Sa panahon ng sakuna, ang kahandaan ay hindi opsyonโ€”ito ay responsibilidad.



12/06/2026
๐๐”๐‹๐ˆ๐’ ๐Š๐€๐’๐€๐๐†๐†๐€๐˜๐€๐‡๐€๐ ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan na may tema...
12/06/2026

๐๐”๐‹๐ˆ๐’ ๐Š๐€๐’๐€๐๐†๐†๐€๐˜๐€๐‡๐€๐ ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐

Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan na may temang, "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan," nakiisa ang Pulis Kasanggayahan sa pangunguna ni PCOL ALEX C DANIEL, sa isinagawang Wreath Laying Ceremony nitong umaga ng Biyernes, Hunyo 12, 2026 sa Capitol Park, Sorsogon City.

Sa pag-alala sa sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno, patuloy nating pinahahalagahan ang kalayaang kanilang ipinaglaban at sama-samang isinusulong ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas! Maligayang Araw ng Kalayaan!



12/06/2026




๐๐”๐‹๐ˆ๐’ ๐Š๐€๐’๐€๐๐†๐†๐€๐˜๐€๐‡๐€๐, ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜Bilang bahagi ng paggunita sa i...
12/06/2026

๐๐”๐‹๐ˆ๐’ ๐Š๐€๐’๐€๐๐†๐†๐€๐˜๐€๐‡๐€๐, ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan na may temang, "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan," nagsagawa ang Sorsogon Police Provincial Office Headquarters ng isang payak ngunit makabuluhang Flag Raising Ceremony bilang pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyong nagbigay sa ating bayan ng kalayaan.

Sa pagwawagayway ng ating watawat, muling pinagtitibay ng Pulis Kasanggayahan ang kanilang panata ng tapat na paglilingkod, pagprotekta sa sambayanan, at pagpapanatili ng kapayapaan para sa isang ligtas at maunlad na kinabukasan ng bawat Pilipino.

Mabuhay ang diwa ng kalayaan. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!




Today, we celebrate the 128th Philippine Independence Day and honor the courage, sacrifice, and patriotism of our heroes...
11/06/2026

Today, we celebrate the 128th Philippine Independence Day and honor the courage, sacrifice, and patriotism of our heroes who fought for our freedom. May their legacy inspire us to remain united, resilient, and committed to building a better future for our nation.

Happy Independence Day! Mabuhay ang lahing Pilipino!



Address

Sorsogon
4700

Telephone

+639985986057

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Sorsogon Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share