Sorsogon Provincial Information Office - SPIO

Sorsogon Provincial Information Office - SPIO The official information page of the Provincial Government of Sorsogon.
(3)

08/06/2026

WATCH | Noon, araw-araw na hinaharap ng mga mag-aaral ng Butag National High School sa bayan ng Bulan ang hirap at panganib ng pagpasok sa paaralan dahil sa makitid at mahirap na daanan. Ngunit sa pamamagitan ng Road Opening Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ni Governor Boboy Hamor, ang dating hadlang ay naging daan ng pag-asa.

Ngayong pagbubukas ng klase, mas ligtas, mas mabilis, at mas maginhawa na ang pagpasok ng mga estudyante sa paaralan.

LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL SA BUONG LALAWIGAN NG SORSOGON SA PAGBUBUKAS NG KLASEKasabay ng po...
08/06/2026

LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL SA BUONG LALAWIGAN NG SORSOGON SA PAGBUBUKAS NG KLASE

Kasabay ng pormal na pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng sabayang pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa iba’t ibang paaralan sa buong lalawigan upang matiyak na handa ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa silid aralan.

Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor ang distribution ng mga school supplies sa ilang paaralan na kanyang personal na binisita sa unang araw ng klase kasabay ng pag-iikot din ng mga empleyado ng kapitolyo upang mamahagi ng mga gamit.

Kabilang sa mga ipinamahaging kagamitan ang mga notebook, school bag, school cap, payong, at iba pang mahahalagang gamit na kailangan ng mga mag aaral mula elementary hanggang high school.

Ayon sa gobernador, layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagbubukas ng klase at masig**o na walang batang mahuhuli sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga pangunahing kagamitan sa paaralan.

Ang pamamahagi ng school supplies ay bahagi ng 7K Kadunungan Program, isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Governor Boboy na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa edukasyon at pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral sa buong lalawigan. Isinasagawa rin ito sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan at lungsod sa Sorsogon upang mas maraming kabataan ang mabigyan ng benepisyo.

June 8, 2026Unang araw ng pasukan, unang araw din ng pagbisita!Personal na binisita ni Governor Boboy Hamor ang Butag Na...
08/06/2026

June 8, 2026

Unang araw ng pasukan, unang araw din ng pagbisita!

Personal na binisita ni Governor Boboy Hamor ang Butag National High School, Butag Elementary School, at Sagrada Elementary School sa bayan ng Bulan, gayundin ang Sua National High School at Sua Elementary School sa bayan ng Matnog upang kumustahin ang mga mag-aaral, g**o, at mga magulang sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa edukasyon sa pamamagitan ng 7K Kadunungan Program upang matiyak na maayosat makabuluhang pag-aaral para sa bawat batang Sorsoganon.

ANNOUNCEMENT!P20 Rice Project “Benteng Bigas Meron Na” at Sorsogon Provincial GymnasiumJune 9, 2026 (Tuesday) 6:00 AMPaa...
08/06/2026

ANNOUNCEMENT!
P20 Rice Project “Benteng Bigas Meron Na” at Sorsogon Provincial Gymnasium
June 9, 2026 (Tuesday) 6:00 AM

Paalala:
▪︎ Para sa nakapagrehistro na, magdala pa rin ng 1 valid ID.
▪︎ Para sa magpaparehistro pa lang sa araw ng programa, magdala ng 1 valid ID para sa verification.

Priority ang mga sumusunod:
1. Senior Citizen – OSCA ID o anumang government-issued ID
2. PWDs – PWD ID mula sa PDAO o DSWD
3. Solo Parents – Solo Parent ID mula sa LGU Social Welfare and Dev’t Office
4. 4Ps Beneficiaries – 4Ps ID
5. Minimum Wage Earner – Company ID
6. Farmers and Fisherfolk - RSBSA ID issued by DA or ID issued by BFAR

June 8, 2026LOOK | Governor Boboy Hamor attended the opening of classes at Butag Elementary School in Bulan and joined t...
07/06/2026

June 8, 2026

LOOK | Governor Boboy Hamor attended the opening of classes at Butag Elementary School in Bulan and joined the school’s first flag ceremony for School Year 2026–2027.

His presence reflects the Provincial Government’s continued support for education under the 7K Kadununagan Program by providing students learning materials and its commitment to helping every young Sorsoganon achieve their dreams through learning.

06/06/2026

A meaningful way to end the summer!

Days before the opening of classes, the A-One Youth gathered at Subic Beach for a day of fellowship, leadership building and inspiration.

Ready na muling harapin ng kabataang Sorsoganon ang panibagong school year na may mas matatag na pangarap at layunin.

LOOK | From paintings to picturesque realities.The halls of the Sorsogon Provincial Capitol now proudly feature stunning...
05/06/2026

LOOK | From paintings to picturesque realities.

The halls of the Sorsogon Provincial Capitol now proudly feature stunning images of the province’s iconic landmarks and tourist destinations, bringing the beauty, culture, and pride of Sorsogon closer to every visitor who walks through its doors.

A visual celebration of the places that make Sorsogon truly beautiful.


BIGAS, IPINAMAHAGI SA MGA HANDICRAFT WEAVERS AT MODERN JEEPNEY DRIVERS SA SORSOGONNakatanggap ng tig-iisang sako ng biga...
05/06/2026

BIGAS, IPINAMAHAGI SA MGA HANDICRAFT WEAVERS AT MODERN JEEPNEY DRIVERS SA SORSOGON

Nakatanggap ng tig-iisang sako ng bigas ang mga handicraft weavers mula sa mga bayan ng Sta. Magdalena, Bulusan, Pilar, at Castilla, gayundin ang mga rehistradong modern jeepney drivers/operators sa lalawigan sa isinagawang distribusyon noong Hunyo 3-4, 2026.

Ang nasabing asistensya ay bahagi ng 7K Kabuhayan Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa kabuhayan ng mga manggagawa at sektor na may mahalagang ambag sa pag-unlad ng lalawigan.

Patuloy ang kapitolyo sa paghahatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga Sorsoganon.

DOT V NAGSAGAWA NG TOURISM RAPID SITE ASSESSMENT SA MATNOG Nagsagawa noong Miyerkules, Hunyo 3, 2026 ng Tourism Rapid Si...
04/06/2026

DOT V NAGSAGAWA NG TOURISM RAPID SITE ASSESSMENT SA MATNOG

Nagsagawa noong Miyerkules, Hunyo 3, 2026 ng Tourism Rapid Site Assessment ang Department of Tourism (DOT) Region V katuwang ang Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, Matnog Municipal Tourism Office, DENR-PENRO, MENRO Matnog, at mga opisyal ng barangay para sa panukalang Matnog Tourist River Boat Cruise Project.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng courtesy call sa Pamahalaang Bayan ng Matnog at orientation hinggil sa site at market assessment methodology ng DOT. Kasunod nito, isinagawa ang inspeksyon at pagsusuri sa mga pangunahing lugar na nakatakdang maging bahagi ng proyekto, kabilang ang Tablac River Cruise Tourism Area at Genablan River Cruise Tourism Area, kung saan nagsagawa ng on-site assessment ang assessment team.

Layunin ng assessment na makalikom ng mahahalagang datos upang masuri ang feasibility, tourism potential, sustainability, at mga oportunidad para sa pagpapaunlad ng mga river-based tourism products sa Matnog. Tinalakay rin sa isinagawang debriefing session ang mga paunang natuklasan at rekomendasyon para sa matagumpay na pagpapatupad ng proyekto.

Ayon sa DOT Region V, may malaking potensyal ang mga ilog na ito na maging natatanging destinasyon sa lalawigan at makapagbigay ng dagdag na kabuhayan at oportunidad sa mga komunidad habang isinusulong ang turismo sa Matnog at sa buong Sorsogon.

LOOK | Sa pagpapatuloy ng school validation para sa 7K Champions, ilang paaralan naman sa Juban ang pinuntahan ng grupo ...
04/06/2026

LOOK | Sa pagpapatuloy ng school validation para sa 7K Champions, ilang paaralan naman sa Juban ang pinuntahan ng grupo ng validators noong Hunyo 2, 2026. Kabilang sa kanilang mga tiningnan ang key areas para sa kalinisan, gulayan, waste management at kagandahan ng mga eskwelahan.

Address

Barangay Burabod
Sorsogon
4700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sorsogon Provincial Information Office - SPIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share