02/06/2026
MGA ESTUDYANTE SA SORSOGON CITY, NAKATANGGAP NG ₱5,000 EDUCATIONAL ASSISTANCE
June 2,2026 | Bibincahan Gymnasium
Nakatanggap ng tig-₱5,000 Educational Assistance ang mga estudyante mula sa iba't ibang bahagi ng Sorsogon City sa isinagawang pamamahagi sa Bibincahan Gymnasium nitong Hunyo 2, 2026.
Dumalo sa programa sina Mayor Ester Hamor, Cong. Dette Escudero, at mga Konsehal na sina Angelu Magda Ravanilla, Lester Lubiano, Bhem Dioneda, at Thess Hamor Gonzalez upang ipakita ang kanilang suporta sa mga mag-aaral na benepisyaryo ng educational assistance.
Bukod sa educational assistance, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng bigas at grocery packs na personal na ipinagkaloob ni Mayor Ester Hamor.
Ang programa ito ay makakatulong sa mga gastusin sa edukasyon sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Malaking tulong ang assistance para sa pagbili ng school supplies at iba pang pangangailangan sa paaralan. Patuloy namang isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.