07/09/2026
SABAY-SABAY NATING LABANAN ANG DENGUE!
Sa bisa ng Executive Order No. 130-2026, ipinag-utos ni Governor Boboy Hamor ang agarang paglilinis sa lahat ng tanggapan, ospital, paaralan, negosyo at barangay sa buong Sorsogon, kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan.
Araw-araw, alas-4 ng hapon, isagawa natin ang 4T Kontra Dengue: Taob, Takip, Tuyo at Taktak upang maalis ang mga pinamumugaran ng lamok.
Ang paglaban sa dengue ay pananagutan ng bawat Sorsoganon. Maglinis, makiisa at protektahan ang buong lalawigan!