03/06/2026
𝗠𝗦𝗦𝗗, 𝗡𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗝𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗦𝗶𝘁𝗲 𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘀 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗔𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗱𝘁𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴
DATU ANGGAL MIDTIMBANG, MDS – Isinagawa ng mga kawani ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang Joint Site Visit and Monitoring ngayong araw, Hunyo 3, 2026, upang masuri ang takbo ng rehabilitasyon ng anim (6) na Child Development Centers (CDCs) sa nasabing bayan.
Kabilang sa mga pasilidad na binisita ay ang Poblacion Nunangan CDC, Old Nunangan CDC, Sabuka Child Development Center, Endap Child Development Center, Tulunan Child Development Center, at Poblacion Tugal CDC.
Nakiisa sa nasabing joint site visit at monitoring ito ang mga kinatawan mula sa MSSD Regional Office. Sila ay sina Engr. Salahudin N. Kindeg at Engr. Al Mishari W. Anda ng Engineering Unit; Nasser L. Bantuas ng Commission on Audit (COA) Division; at Jacquelyn P. Yurag ng Legal and Legislative Liaison Division, kasama ang mga kawani ng MSSD Datu Anggal Midtimbang.
Ang layunin ng aktibidad ay masusing matiyak ang kalagayan ng mga pasilidad, matukoy ang mga natitirang pangangailangan, at siguraduhing ang rehabilitasyon ay mabilis, ligtas, at sumusunod sa itinakdang pamantayan.
Ayon sa talaan, ang anim na Child Development Centers na ito ay kabilang sa mga lubos na napinsala nang salantain ng Bagyong Paeng ang bayan noon taong 2022. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, sinisiguro ng ahensya na muling magkakaroon ng maayos, ligtas, at kasiya-siyang lugar ang mga bata para sa kanilang pag-aaral at paglago.