05/08/2026
Isa na namang magandang balita para sa ating mga Kailyan!
Dumating na sa LGU Sual ang 3,586 sako ng tig-10 kilong bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, bilang alokasyon para sa First at Second Tranche ng programa. Ang kabuuang rice allocation ay nakalaan para sa 1,793 kwalipikadong benepisyaryo alinsunod sa listahang itinakda ng programa, ay tatanggap ng dalawang (2) sako o kabuuang 20 kilo ng bigas.
Personal na tinanggap ang rice allocation nina Hon. Municipal Councilor Mherlie Osana, Municipal Administrator Sir Michael John Millan, Mayora Garly Macaranas Calugay, Executive Assistant to the Mayor Maβam Cheryl O. Medina, MSWDO Head Maβam Odette Sabido, at MPDO Head Sir Gary Santos, bilang bahagi ng patuloy na pagtitiyak na ang bawat programa ng pamahalaan ay maipararating sa mga nararapat na makinabang.
Ang bawat sako ng bigas ay hindi lamang pagkain sa hapag-kainan, ito ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ng LGU Sual upang maibsan ang pang-araw-araw na hamon ng ating mga kababayan.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa patuloy na suporta at malasakit sa bayan ng Sual.
Sa LGU Sual, ang bawat programa ay hakbang tungo sa mas maginhawa, mas matatag, at mas maunlad na pamumuhay ng bawat pamilyang Sualinian.