08/09/2026
๐ฅ๐๐ฃ. ๐๐๐๐๐ฅ๐: ๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐จ๐๐๐๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐
Nanawagan si Tingog party-list Rep. Jude Acidre sa publiko na pairalin ang pagiging patas sa pagtingin kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, kasabay ng mga usaping nag-uugnay sa umanoโy anomalya sa ilang flood control projects.
Ayon kay Acidre sa isang pahayag noong Nobyembre 2025, wala pa umanong naipapakitang ebidensyang direktang nag-uugnay kay Romualdez sa mga kontrobersiyang ibinabato laban sa kanya.
Dahil dito, sinabi niyang hindi makatarungang agad humatol batay lamang sa mga haka-haka at hindi pa napatutunayang alegasyon.
โWala naman kasing ebidensya that directly imputes Martin Romualdez to all these controversies,โ wika ni Acidre.
Iginiit din ng mambabatas na dapat ibatay sa konkretong ebidensya, at hindi sa espekulasyon, ang anumang paghatol sa isang tao.
Dagdag pa ni Acidre, marami umanong naiambag si Romualdez sa bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Speaker ng Kamara.
โHe has also done so much good for the country, especially during his tenure as speaker.โ
Naniniwala si Acidre na nararapat lamang na mabigyan si Romualdez ng pagkakataong maipaliwanag at maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga paratang.