Barangay Sun Valley

Directions Contact the organization

Barangay Sun Valley Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Sun Valley, Government Organization, Sun Valley.

Barangay Sun Valley Hotline Numbers
Police SS7: 8875-7725
Tanod: 8551-9599 / 0951-9617047
Rescue & Fire Department: 0961-7431376 / 8824-7493
Mega Health Center: 8252-9813
Social Services: 8551-9599

October 7, 2026TUPAD Onboarding at OrientationIsinagawa ang TUPAD Onboarding at Orientation para sa mga benepisyaryo ng ...
07/10/2026

October 7, 2026

TUPAD Onboarding at Orientation

Isinagawa ang TUPAD Onboarding at Orientation para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Barangay Sun Valley Hall.

Pinangunahan at sinuportahan ni Punong Barangay Chaqui Cortez, kasama sina Kag. Jeff Iyatot De Asis, Kag. Noel Pablo, at Barangay Secretary Banjo Sedigo Maure, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan upang maihatid ang mga programang pangkabuhayan at oportunidad sa ating mga kabarangay.

Taos-pusong pasasalamat kay Congressman Brian Yamsuan sa patuloy na suporta para sa TUPAD program at sa pagbibigay ng dagdag na oportunidad sa ating mga manggagawa.

Serbisyong may malasakit, oportunidad para sa lahat!

October 7, 2026Coordination Meeting with City Engineering DepartmentIsinagawa ang isang coordination meeting sa pagitan ...
07/10/2026

October 7, 2026

Coordination Meeting with City Engineering Department

Isinagawa ang isang coordination meeting sa pagitan ng Punong Barangay Chaqui Cortez kasama si Barangay Secretary Banjo Sedigo Maure at ng City Engineering Department upang talakayin at pagtibayin ang mga kinakailangang proyekto, infrastructure concerns, at iba pang usaping may kinalaman sa pagpapabuti ng mga pasilidad at imprastraktura sa Barangay Sun Valley.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Punong Barangay Chaqui Cortez sa mga kaukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang maisulong ang mga serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng ating mga residente.


October 7, 2026🀝 Coordination Meeting with Villa Paraiso ResidentIsinagawa ni Punong Barangay Chaqui Cortez ang isang co...
07/10/2026

October 7, 2026

🀝 Coordination Meeting with Villa Paraiso Resident

Isinagawa ni Punong Barangay Chaqui Cortez ang isang coordination meeting kasama ang isang residente ng Villa Paraiso upang talakayin ang mga concerns, pangangailangan, at iba pang usaping mahalaga sa komunidad.

Patuloy ang Punong Barangay Chaqui Cortez sa pakikinig at pagtugon sa mga hinaing ng ating mga residente upang mapanatili ang maayos, mabilis, at episyenteng serbisyo para sa bawat taga-Barangay Sun Valley.


October 5, 2026🌷 Teachers’ Day Celebration – Child Development CenterIsang masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day para sa...
05/10/2026

October 5, 2026

🌷 Teachers’ Day Celebration – Child Development Center

Isang masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day para sa ating masisipag at dedikadong mga g**o ng Child Development Center! πŸ’

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat at pagkilala si Punong Barangay Chaqui Cortez ko sa mga g**ong patuloy na gumagabay, nagtuturo, at humuhubog sa ating mga kabataan. Ang inyong malasakit, tiyaga, at pagmamahal sa mga bata ay tunay na mahalaga sa paghubog ng kanilang magandang kinabukasan. ❀️

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at dedikasyon! Happy Teachers’ Day! πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«πŸŒŸ


October 5, 2026Teachers’ Day Celebration | Sun Valley National High SchoolIsang makabuluhang pagdiriwang ng Teachers’ Da...
05/10/2026

October 5, 2026

Teachers’ Day Celebration | Sun Valley National High School

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Teachers’ Day ang ginanap sa Sun Valley National High School, na sinaluhan ni Punong Barangay Chaqui Cortez sa pangunguna ni Principal Dra. Marilou De Jesus, bilang pagkilala at pasasalamat sa dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang paglilingkod ng mga g**o para sa kabataan.

Nakibahagi si Punong Barangay Chaqui Cortez sa espesyal na okasyong ito, bilang pagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa mga g**o na patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat sa ating mga minamahal na g**o! Happy Teachers’ Day! ❀️

October 5, 2026Panunumpa Bilang Barangay Representative sa Federation of Senior CitizensIsang makabuluhang araw para kay...
05/10/2026

October 5, 2026

Panunumpa Bilang Barangay Representative sa Federation of Senior Citizens

Isang makabuluhang araw para kay Mario T. Cortez, kasama si Punong Barangay Chaqui Cortez, sa kanyang panunumpa bilang Barangay Representative to the Federation of Sixteen (16) Barangay Senior Citizens Association ParaΓ±aque, Inc.

Ang panunumpa ay isinagawa ngayong ika-5 ng Oktubre 2026 sa Lungsod ng ParaΓ±aque at pinanumpaan sa harap ni Mayor Edwin L. Olivarez.

Patuloy nating suportahan ang mga kinatawan ng Barangay Sun Valley sa pagsusulong ng kapakanan at mga programa para sa ating mga senior citizens. πŸ€πŸ’™


πŸΉπ—•π—”π—¦π—œπ—– 𝗕𝗔π—₯π—§π—˜π—‘π——π—œπ—‘π—š π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—Ÿπ—œπ—›π—’π—’π—— 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘G🍹Para sa ating mga Ka-Barangay na edad 18 hanggang 30 years old, narito ang isang m...
04/10/2026

πŸΉπ—•π—”π—¦π—œπ—– 𝗕𝗔π—₯π—§π—˜π—‘π——π—œπ—‘π—š π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—Ÿπ—œπ—›π—’π—’π—— 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘G🍹

Para sa ating mga Ka-Barangay na edad 18 hanggang 30 years old, narito ang isang magandang oportunidad upang matuto ng bagong kasanayan na maaaring maging daan sa karagdagang kita at kabuhayan!

πŸ“… Tentative Start Date: October 12, 2026
πŸ• Oras: 1:00 PM – 5:00 PM
πŸ“ Lugar: 3rd Floor, BSV Barangay Hall
⏳ Tagal: 10-Day Training

Sa mga nais lumahok at matuto, mag-message lamang po kay Kagawad Anna Marie Bautista o makipag-ugnayan sa ating BLESO, Ate Janice Gustilo, para sa registration at iba pang detalye.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng BSV 13th Council, sa pamumuno ni Kap. Chaqui Cortez, katuwang ang Livelihood Committee Chairperson, Kagawad Anna Marie Bautista, sa pakikipagtulungan ng PLRMO at ParaΓ±aque City Government, sa pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez.

Serbisyong Tapat Para sa Lahat!
Dahil sa Barangay Sun Valley, patuloy nating binibigyan ng kasanayan, oportunidad, at pag-asa ang ating mga kabataan tungo sa mas magandang kinabukasan.






π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—œπ—žπ—”-58𝗧𝗛 π—™π—’π—¨π—‘π——π—œπ—‘π—š π—”π—‘π—‘π—œπ—©π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬, 𝗧𝗔𝗨 π—šπ—”π— π— π—” π—£π—›π—œ! 🫑 Taos-pusong pagbati sa buong Tau Gamma Phi – Triskelion Grand...
04/10/2026

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—œπ—žπ—”-58𝗧𝗛 π—™π—’π—¨π—‘π——π—œπ—‘π—š π—”π—‘π—‘π—œπ—©π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬, 𝗧𝗔𝗨 π—šπ—”π— π— π—” π—£π—›π—œ! 🫑

Taos-pusong pagbati sa buong Tau Gamma Phi – Triskelion Grand Fraternity sa pagdiriwang ng ika-58th Founding Anniversary!

Sa loob ng maraming taon, naging simbolo ang Tau Gamma Phi ng pagkakaisa, kapatiran, serbisyo, at malasakit sa kapwa. Nawa’y patuloy ninyong isabuhay ang diwa ng tunay na brotherhoodβ€”hindi lamang sa salita, kundi higit sa lahat sa gawa.

Sa bawat hamon at pagsubok, manatiling matatag, nagkakaisa, at handang maglingkod. Ang tunay na lakas ng isang kapatiran ay nasusukat sa kabutihang naibabahagi nito sa komunidad at sa buhay ng bawat taong naaabot nito.

Mabuhay ang Tau Gamma Phi! Mabuhay ang kapatiran! Mabuhay ang serbisyo para sa lahat!

Maligayang 48th Founding Anniversary! πŸŽ‰πŸ’›πŸ–€

Greetings from:
Brod/Kap Chaqui Cortez and BSV 13th Council
Serbisyong Tapat Para sa Lahat

🏘️ RIVERSIDE NEIGHBORHOOD ASSOCIATION GENERAL ASSEMBLYDumalo bilang mga panauhin sina Punong Barangay Chaqui Cortez at A...
04/10/2026

🏘️ RIVERSIDE NEIGHBORHOOD ASSOCIATION GENERAL ASSEMBLY

Dumalo bilang mga panauhin sina Punong Barangay Chaqui Cortez at Ate Mylene Cortez sa isinagawang Riverside Neighborhood Association General Assembly, kasama si President Ronald Bohol, gayundin ang lahat ng board officers at members.

Naging pagkakataon ito upang mapakinggan ang mga concerns at suhestiyon ng mga residente at mapagtibay ang koordinasyon para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng komunidad. πŸ€πŸ’™


October 3, 2026πŸ™ GABI NG PASASALAMAT | INANG MARIA NG SANTO ROSARYONakikiisa si Punong Barangay Chaqui Cortez at Ate Myl...
03/10/2026

October 3, 2026

πŸ™ GABI NG PASASALAMAT | INANG MARIA NG SANTO ROSARYO

Nakikiisa si Punong Barangay Chaqui Cortez at Ate Mylene Cortez, kasama sila Kag. Jeff Iyatot De Asis, Kag. Noel Pablo, Kagawad Jayjay Batbat Tangtang, Barangay Secretary Banjo Sedigo Maure mga kawani ng Barangay Sun Valley at Parokya ng Inang Maria ng Santo Rosaryo na pinangungunahan ni Fr. Gilbert Ytac sa makabuluhang Gabi ng Pasasalamat bilang bahagi ng pagdiriwang para sa Inang Maria ng Santo Rosaryo. πŸ™πŸŒΉ

Isang gabi ng pananalig, pasasalamat at pagkakaisa ng ating buong pamayanan sa ilalim ng mapagmahal na paggabay ng Mahal na Birheng Maria. Nawa’y patuloy Niya tayong samahan at gabayan sa bawat hamon at gawain para sa kapakanan ng ating mga kabarangay. β€οΈπŸ™

Inang Maria ng Santo Rosaryo, nakikinig at nakikilahok sa mahihirap.


Address

Sun Valley

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sun Valley posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Sun Valley:

Shortcuts

Share