Surallah Tourism, Arts & Culture Development Center

Surallah Tourism, Arts & Culture Development Center Official page of LGU Surallah Tourism, Arts and Culture Development Center

The Municipality of Surallah ranked 4th in same-day tourist arrivals and 3rd in overnight tourist arrivals among all mun...
12/08/2026

The Municipality of Surallah ranked 4th in same-day tourist arrivals and 3rd in overnight tourist arrivals among all municipalities and lone city in the Province of South Cotabato during the first half of 2026.

The figures reflect the growing appeal of Surallah as a tourism destination, as well as the intensive participation of tourism stakeholders and consistent data-gathering efforts of the Tourism, Arts, and Culture Development Center, headed by Senior Tourism Operations Officer Maylyn P. Diesto, under the administration of Municipal Mayor, the Honorable Pedro M. Matinong Jr.

Through continuous coordination with tourism establishments, attractions, communities, and other stakeholders, the Center strengthens tourism data collection and documentation, providing valuable information that supports tourism planning, promotion, and development.

For the first semester of 2026, South Cotabato recorded a total of 981,683 same-day tourist arrivals and 117,023 overnight tourist arrivals, reflecting the provinceโ€™s continued growth as a tourism destination.

The achievement highlights the collective efforts of Surallahโ€™s tourism stakeholders and the municipalityโ€™s continuing commitment to strengthening its tourism industry and positioning Surallah as a growing tourism destination in South Cotabato.



Source: Land of the Dreamweavers

Today, as we celebrate National Indigenous Peoples Day, we honor and celebrate the rich culture, traditions, heritage, a...
09/08/2026

Today, as we celebrate National Indigenous Peoples Day, we honor and celebrate the rich culture, traditions, heritage, and contributions of our Indigenous brothers and sisters. Let this day remind us that celebrating diversity means making sure no culture is forgotten, no tradition is lost, and no community is left behind.

Ngayong unang Biyernes ng Buwan ng Wikang Pambansa, ating itinatampok ang maikling kuwentong pambata na pinamagatang "Si...
07/08/2026

Ngayong unang Biyernes ng Buwan ng Wikang Pambansa, ating itinatampok ang maikling kuwentong pambata na pinamagatang "Si Gulayat," na isinulat ni Bb. Ma. Selena Antoneitte P. Gedoria noong siya ay mag-aaral pa sa Lamian National High School. Ang akdang ito ay nakalathala sa zine na pinamagatang Sesuto: Dreams of the Worsts, na inilathala ng Payag Panulatan noong 2024.

๐’๐ˆ ๐†๐”๐‹๐€๐˜๐€๐“
๐‘ด๐’‚. ๐‘บ๐’†๐’๐’†๐’๐’‚ ๐‘จ๐’๐’•๐’๐’๐’†๐’Š๐’•๐’•๐’† ๐‘ท. ๐‘ฎ๐’†๐’…๐’๐’“๐’Š๐’‚

Isang batang lalaki ang diring-diri sa gulay at sukang-suka kapag ito ay natatanaw o hinahain sa lamesa. Oras na noon upang kumain ng hapunan ang pamilya ni Gulayat. Subalit sa kasamang palad, kinasusuklaman niya ito, dahilan ng pagbagsak ng kaniyang mumunting katawan. Hindi siya kumain at tumungo na lang sa kaniyang kwarto.

Isang gabi sa kanilang silid, si Gulayat ay inantok at nananata, tila gulay na hindi man lang nadiligan sa kaniyang katre. Siya pala ay naglalakbay na sa kaniyang panaginip patungo sa kaharian ng masusustansiyang mga gulay upang siya ay maturuan ng leksiyon. Siya ay napunta sa mahiwagang hardin na kung saan dapat ay matutunan niyang pahalagahan ang lahat ng pagkain, at una na rito ang mga masusustansiyang gulay.

Upang siya ay makabalik sa kanilang mundo, kailangan niyang magtagumpay sa tatlong hamon na kaniyang kakaharapin.

Ang unang hamon ay kinakailangan niyang kumain ng kalabasa habang papunta sa finish line. Habang siya ay tumatakbo, ngatngat nang ngatngat si Gulayat sa kalabasang buo. Maniwala kayo at sa hindi, naubos niya ang kalabasa at nagtagumpayan ang unang laro. Masarap naman daw pala ang kalabasa, manamis-namis at pampalinaw ng mata.

Ang pangalawang hamon ay kinakailangan niyang kumain ng sampung ampalaya. Kahit sobrang pait, pinikit lamang niya ang kaniyang mga mata at ngumunguya nang ngumunguya at saka lumunok nang lumunok. Natapos niya at napagtagumpayan niya ito!

Ang huling hamon ay kinakailangan niyang kumain ng iba pang gulay katulad ng sitaw, okra at talong. Ang hamon na ito ay ang huling susi upang siya ay makabalik sa kaniyang katawan. Sa pagsikat ng araw ay dapat niyang matapos ang kaniyang hamon. Kapag ito ay hindi niya natagumpayan siya ay hindi na makakabalik kailanman sa kaniyang mundo. Kung kaya, sa kaniyang determinadong mukha at tiyaga sa pagharap sa mga hamon, siya ay lumamon nang lumamon at napagtagumpayan ito bago pa man sumikat ang araw. Umaga na nang nagising si Gulayat, at bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha.

Simula noon, si Gulayat ay lagi nang kumakain ng mga masusustansiyang mga gulay at naging paborito na niya itong kainin araw-araw.

๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐‘ฒ๐’“๐’Š๐’” ๐‘ถ. ๐‘ฏ๐’–๐’†๐’„๐’‚๐’”Akoโ€™y isang estudyanteng nag-aaral ng marangal,estudyanteng naghahangad ng samot-saring parang...
06/08/2026

๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ
๐‘ฒ๐’“๐’Š๐’” ๐‘ถ. ๐‘ฏ๐’–๐’†๐’„๐’‚๐’”

Akoโ€™y isang estudyanteng nag-aaral ng marangal,
estudyanteng naghahangad ng samot-saring parangal,
Pusoโ€™t-isipan buong inilaan.
Mga gawi ko sa paaralan, siya ring gawi ko sa tahanan.

Dumating ang pandemya at edukasyon ay binago ng sistema,
ang nakasanayang pag-aaral pinaglayo ng distansiya.
Dating mga gawi ay labis ding naapektuhan,
Pamilya, kaibigan, sarili koโ€™t isipan.

Ang dating mga gawain sa silid-aralan,
akin nang ginagawa sa silid ng tahanan,
akala koโ€™y mas madali kapag ganito,
unti-unti na palang nagbabago ang takbo ng isip ko.

Ang isip koโ€™y paiba-iba ang direksiyon,
isip dito, isip doon, wala pa ring tamang desisyon.
Mga tanong sa papel na naghihintay at nababagot
tumutulo na ang mga luha wala pa ring maisagot.

Dumating ang mga araw,
isip at puso koโ€™y di ko na ma-kontrol.
Akoโ€™y punong-puno na ng ilusyoโ€™t imahinasyon,
mga simpleng bagay binibigyan ko nang mabigat na rason.

Araw-gabi sa akiโ€™y may bumubulong,
Mga boses na nang-aakit nilalaro ang aking isip.
Akoโ€™y gulong-guloโ€™t nalilito
hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Mga kilos koโ€™y naimpluwensiyahan,
Pamilya koโ€™y lubusang nasaktan,
Sa mga gawi kong di-normal.

Ang dating mga iniisip na akala koโ€™y totoo.
Gawa lang pala ng isip ko.

***

Mababasa ang akda ni Kris O. Huecas sa zine na pinamagatang "MAPANG-AKIT NA DILIM" na inilathala ng Payag Panulatan noong Marso 2025 para sa Lamian National Highway School. Sa kasalukuyan, si Kris ay kumukuha ng kursong Bachelor in Technical-Vocational Teacher Education Major in Food and Service Management sa South Cotabato State College.

05/08/2026

๐€๐ง๐  ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฅ๐š๐ก ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ญ๐ž๐ฆ๐š๐ง๐ :

โ€œ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ€


#๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฆ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ
#๐—ฆ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ต
#๐—ฆ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ต๐—•๐—œ๐——๐—”๐—ž๐—”
#๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†๐—ฑ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐‘ป๐‘ฑ ๐‘ญ๐’‚๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’Heto na naman ako nagsisimulang sumulat ng isang tula tungkol sa'yo.Saan ba akong pwedeng magsimula: ...
05/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐— ๐—œ๐—ก
๐‘ป๐‘ฑ ๐‘ญ๐’‚๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’

Heto na naman ako nagsisimulang sumulat ng isang tula tungkol sa'yo.
Saan ba akong pwedeng magsimula: Sa ugaling meron ka?
O di kaya sa pisikal na ganda? Simulan ko kaya sa iyong mga mata?
Mata mong napakaganda na para bang bituin,
O di kaya sa ngiti mong kahit pagod na pero lumalaban pa?
Hindi ko nga lang alam kung anong meron ka.
Pero naaalala mo pa ba no'ng unang araw na makita kita?
Para akong may nakasalubong na diwata na umaapak sa lupa.
Lumilipas ang mga araw, unti-unti kong namamalayan,
Mga ngiti mo na pala ang nagpapasaya sa aking araw
at kapag 'di kita makita para bang kulang ang araw ko.
Hindi ko alam.
Pero habang tumatagal nararamdaman ko sayo'y lalong lumalalim.
'yong boses at tawa mo sa pandinig ko'y parang isang musika
Na sa akin ay nagbibigay ng ligaya,
hindi ko alam bakit nararamdaman ko ito sa'yo,
Sig**o ay dahil napamahal na talaga ako sa'yo?
pero kahit ilang taon man ang lilipas,
pagkagusto ko sayo'y hindi kukupas
Inaamin ko sayo na gusto na kita at mahal na rin kita
At kung bigyan man ako ng isang bilyong kahilingan
Ikaw at ikaw pa rin ang aking hihilingin.

***

Si TJ FAIGANAN ay nagtapos ng sekundarya sa Lamian National High School, Barangay Lamian, Surallah, South Cotabato. Ang akda niyang "PAG-AMIN" ay nailathala sa zine na pinamagatang "SESUTO: DREAMS OF THE WORSTS", na inilathala ng Payag Panulatan noong 2024. Sa ngayon, si TJ ay kumukuha ng kursong Bachelor of Technology and Livelihood Education major in Information and Communication Technology sa SEAIT.

04/08/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:

โ€œ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™”๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ.โ€

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, lalo nating pinagtitibay ang mahalagang papel ng Wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at makabuluhang komunikasyon. Kasabay ng pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI), nawa'y magamit natin ang teknolohiya nang may pananagutan upang higit pang mapayaman ang ating wika, kultura, at edukasyon.

Sama-sama nating ipagmalaki, gamitin, at paunlarin ang ating pambansang wikaโ€”isang wikang nagbubuklod sa bawat Pilipino at nagsisilbing tulay tungo sa mas maliwanag at mas makabagong kinabukasan.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2026!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ibabahagi ng Tanggapan ng Turismo, Sining, at Kultura ng Su...
04/08/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ibabahagi ng Tanggapan ng Turismo, Sining, at Kultura ng Surallah ang ilan sa mga akda at komposisyon ng mga manunulat mula sa ating bayan. Ang mga akdang ito ay nakalathala sa mga zine na kanilang ipinagkaloob sa ating tanggapan at kasalukuyang maaaring mabasa sa Surallah Municipal Library.

Unang itinatampok ang akda ni G. Rexcel V. Samulde, isang g**o at manunulat mula sa Barangay Centrala, Surallah. Ilan sa kanyang mga akda ay kinilala at nagwagi na sa iba't ibang patimpalak sa panitikan, na nagpapakita ng kanyang husay at mahalagang ambag sa panitikang Filipino.

***

๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†
๐‘น๐’†๐’™๐’„๐’†๐’ ๐‘ฝ. ๐‘บ๐’‚๐’Ž๐’–๐’๐’…๐’†

Nakaupo sa mantsadong puting monoblock
Ang isang matandang lalaking di ko kilala
Nadadaanan ko palagi sa gilid ng kalsada,
Tinitingnan ngunit di ko pa nagawang ngitian siya
Tahimik na kausap niya ang sariling boses sa utak,
Malayo ang tingin, sig**o'y may binabalik-tanaw
Habang pinapalamig ang kapeng barako
Sa medyo kinakalawang na tasang sartin
Na inilapag niya sa mahamog na damuhan.

Binibilang ng mata ang mga motorsiklo
Kinikilala ng malabo niyang paningin
Ang mukha ng mga lumilingon:
Mga pasahero't drayber ng magkaibang henerasyon.
Hindi kumpleto ang biyahe sa Derilon
Kapag wala siya sa kanyang silyang
Ipinuwesto sa taas ng burol
Katabi ng mga mantiw na kawayan.

Minsan, tanging bangko lang ang nakapatong
Sa burol. Katinginan ang mga halama't damong
Singtanda ng may-ari ng lupa sa tabokโ€”
Araw-gabing nagkakatitigan
Ang mga puno't halaman at plastik na upuan
Nagpapatibayan ng paa at ugat, naghihintayan
Kung sino ang unang gagapang
At luluhod sa lupa pagkatapos ng tag-ulan.

Kapag wala nang nakaupo ng ilang araw
Nagtitipon ang mga dahon ng kawayan
Sa malamig na puwitan ng puting bangko
Naghihintay na bigyang init ng hita't balakang
Ang nanghihinang plastik na kapag di nagamit
Ay nagiging marupok ang buong katawanโ€”
Katulad ng tao: Sa init nalulusaw, sa init nabubuhay,
Sa init umaasa, at sa init nakasalalay.

At minsan, tuwing alas siyete ng umaga
Kapag hindi iniilawan ng puting balbas niya
Ang karimlan ng paligid sa mariit na burol,
Iniisip kong baka umiiyak na ang mga
Kuliglig at lamok na nakiramay na sa kanya.
Kapag wala siya sa kanyang tambayan
Ang mga halaman at upuang nagkakatinginan
Ay may mga kuro-kuro nang wala sa kanila
Ang talo sa pagpapatibayan ng ugat at paa.

Sa likod ng burol na hindi saklaw ng balintataw,
Sadyang may mga hindi na makakasabay
Sa paggising ng mga sinag ng panibagong araw.
Umaasa akong muling masilayan ang burol,
Na sa tuktok ay may humihigop pa rin ng nitib na kape
Na siyang pampalakas ng tibok ng puso at pulso
Sa loob ng manipis na balat sa dibdib at kamay,
At sa isa pang umaga,
Magtagpong muli ang aming mga mata,
Mabigyan siya ng isang ngiti, kahit hindi ko alam
Kung ang mga pagbati ay naaaninag pa niya.

2026 ATOSC General AssemblyThe Association of Tourism Officers of South Cotabato (ATOSC) successfully conducted its 2026...
03/08/2026

2026 ATOSC General Assembly

The Association of Tourism Officers of South Cotabato (ATOSC) successfully conducted its 2026 General Assembly on July 31, 2026, at Viajera Hotel, City of Koronadal, bringing together tourism officers, designates, and staff from the 10 municipalities and the lone city of the province.

The assembly was presided over by ATOSC President Maylyn P. Diesto of the Municipality of Surallah, who presented her President's Report, while Ma. Isel Octaviano of the Municipality of Sto. Niรฑo delivered the Treasurer's Report.

The event was graced by Sangguniang Panlalawigan Committee Chairperson on Tourism, Board Member Alicia Nicole Causing-Labordo, who expressed her unwavering support for the association and its future endeavors. She also assured the officers that she would serve as their voice in the Sangguniang Panlalawigan in advancing programs and initiatives for the tourism sector.

Also in attendance were representatives from the Department of Tourism Region XII, PNP South Cotabato, the Tourism and Hospitality Educators Association of South Cotabato, and the Tourism and Hospitality Council of South Cotabato, who shared messages of support, updates, and collaborative initiatives for the continued growth of tourism in the province.

Meanwhile, Francisco Cerbo Jr., ATOSC Secretariat Head from the Arts, Culture, Tourism, and Museum Unit of the Provincial Government of South Cotabato, presented and discussed the upcoming activities, including the Tourism Month Celebration, 3rd and 4th ATOSC Quarterly Meetings, Philippine Travel Mart in Manila, the Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) 2026 National Convention in Ormoc, Race to Eleven, and the Accreditation Caravan.

During the assembly, Mr. Bren Tamayo, Tourism Officer of the Municipality of Tupi, was also elected as the new Public Relations Officer (PRO) of ATOSC.

The assembly also featured GCash, which introduced its digital payment solutions and highlighted the importance of cashless payments in advancing tourism services across the province.

The gathering reaffirmed the commitment of ATOSC and its partners to strengthen collaboration, promote innovation, and further advance sustainable tourism development in South Cotabato.

03/08/2026

Address

Surallah

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Surallah Tourism, Arts & Culture Development Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share