02/06/2025
02 JUNE 2025 | Municipal Action Team (MAT) Meeting
Tingnan. Sa ginanap na regular monthly meeting kung saan tinalakay ang iba’t-ibang programa ng DSWD kabilang ang KALAHI, SLP, 4Ps; dumalo ang representante ng LGU sa pangunguna ng nakatalagang LGU Link ng Convergence na si Ma’am Rodelyn Sta Maria at Ma’am “Ayen” para pag-usapan ang nalalapit na pagpupugay sa mga benepisyaryong magtatapos sa programa. Lumahok din sa pagpupulong ang assigned Municipal Bookkeeper na si Ms. Nashiba Kawit para ipaalam sa mga municipal link ang mga bagong patakaran at dokumentaryong kinakailangan sa pagproseso sa Landbank. Bukod dito, nariyan din ang partners galing sa Palawan Pawnshop para kumuha ng mga schedule ng Family Development Sessions at nang sa ganoon ay makapagbigay kaalaman sila sa mga benepisyaryo patungkol sa dala nilang mga serbisyo.
Walang humpay ang pasasalamat ng Surallah Convergence Office sa mga tulong na nakukuha nito mula sa local na pamahalaan at sa mga private partners na katuwang ng programa sa pag-aangat ng pamumuhay ng mga benepisyaro nito. Naway tulong-tulong pa rin sa pag-ahon tungo sa kaunlaran ng mga benepisyaryo hanggang sa maitawid sila mula sa kahirapan.