Municipal Government of Tboli

Municipal Government of Tboli A 1st Class Municipality in the Province of South Cotabato, named after the Indigenous Tribe, Tboli. The home of the majestic and world-class Lake Holon.

Created by the virtue of Presidential Decree No. 407 in the year 1974. This page gives latest updates, shares interesting and inspiring stories from the Municipality of Tboli. FAST FACTS:
Legal Basis: Presidential Decree No. 407
Foundation Anniversary: March 16, 1974
No. of Baranggays: 25
No. of Sitios: 220
Population: 79, 175 (NSO survey 2010)
Land Area: 91, 527 hectares
Ethnic Group: Tboli (50.8

2% ) , Blaan (6.96 %), Ilonggo (32.74), Cebuano (5.54%), Maguindanao / Maranao ( 0.68%), Others ( 3.26%)
Educational Institutions: Primary / Elem Schools (53), Secondary (4)
Products/Land use: Banana, Pineapple, Corn, Coconut, Rattan
Agricultural Products: corn, rice, banana, pineapple, palm, coconut, rattan, multi-crops/fruit trees, livestock, poultry, fishery
Industry: Mining, corn shelling, banana and pineapple plantation. Tourist Attratctions: Lake Holon, Mt. Melebingoy, Bakngeb River Cave, Sol Ketnit cave, Mt. Melebatu, Lamhaku hot spring, Safangan falls, KuluSnolon cave, El Minit Gazer, Hidak falls.

06/08/2026
𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬 | After seven (7) consecutive days of backfilling operations and proper soil compaction, the engineering works at...
05/08/2026

𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬 | After seven (7) consecutive days of backfilling operations and proper soil compaction, the engineering works at the bridge near the Zigzag Road in Tboli, South Cotabato have been finally COMPLETED today, August 5, 2026.

However, access to the bridge shall remain limited until further notice, due to scheduled clearance pruning and cutting of obstructing roadside trees along the main road approaching the bridge, which will be conducted by the Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO-Tboli) starting Friday, August 7, 2026. This is to provide and maintain clear visibility for traffic and pedestrians, and reduce safety hazards, before the said bridge is totally opened to the public.

Please keep posted for LGU-Tboli's latest updates. We thank and appreciate everyone's understanding and cooperation.

TDPU-Tboli, nakiisa sa 2026 General Assembly ng Association of Tourism Officers of South CotabatoBilang bahagi ng patulo...
04/08/2026

TDPU-Tboli, nakiisa sa 2026 General Assembly ng Association of Tourism Officers of South Cotabato

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa sektor ng turismo sa lalawigan, dumalo at nakiisa si Senior Tourism Officer I, Argie G. Aman, LPT, mula sa Tourism Development and Promotion Unit (TDPU-Tboli), sa isinagawang 2026 General Assembly ng Association of Tourism Officers of South Cotabato (ATOSC) noong Hulyo 31, 2026 sa Viajera Hotel, Koronadal City, South Cotabato.

Pinagtipon ng aktibidad ang mga Tourism Officers, Tourism Designates, at Tourism Staff mula sa sampung (10) munisipalidad at nag-iisang lungsod ng South Cotabato, upang talakayin ang mga ulat, programa, at mga nakatakdang gawain ng samahan para sa patuloy na pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan.

Pinangunahan ni ATOSC President, Maylyn P. Diesto, ng bayan ng Surallah, ang pagpupulong sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga naging accomplishments ng samahan, habang inilahad naman ni Ma. Isel Octaviano ng bayan ng Sto. Niño ang Treasurer's Report.

Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Sangguniang Panlalawigan Committee on Tourism Chairperson, Board Member Alicia Nicole Causing-Labordo, kung saan tiniyak niya ang kanyang patuloy na pagsusulong ng mga programa at adbokasiya ng sektor ng turismo sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakiisa rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Department of Tourism (DOT) Region XII, PNP South Cotabato, Tourism and Hospitality Educators Association of South Cotabato, at Tourism and Hospitality Council of South Cotabato, na nagbahagi ng mahahalagang updates at mga oportunidad para sa mas matatag na pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng turismo.

Samantala, tinalakay ni Francisco Cerbo Jr., Head Secretariat ng ATOSC mula sa Arts, Culture, Tourism and Museum Unit (ACTMU) ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, ang mga nakatakdang aktibidad ng samahan. Kabilang dito ang pagdiriwang ng Tourism Month, ika-3 at ika-4 na Quarterly Meetings ng ATOSC, Philippine Travel Mart sa Maynila, Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) 2026 National Convention sa Ormoc City, Race to Eleven, at Accreditation Caravan.

Sa isinagawang halalan, nahalal si Bren Tamayo, Tourism Officer ng bayan ng Tupi, bilang bagong Public Relations Officer (PRO) ng ATOSC. Naging bahagi rin ng programa ang presentasyon ng GCash, kaugnay ng mga Digital Payment Solutions nito, bilang suporta sa pagpapalawak ng cashless transactions sa sektor ng turismo.

Sa pamamagitan ng nasabing pagtitipon, patuloy na pinagtitibay ng bayan ng Tboli ang pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya at mga lokal na Tourism Offices, upang maisulong ang mga programang naglalayong mapaunlad ang turismo at mapalakas ang mga serbisyong panturismo sa bayan ng Tboli at sa buong lalawigan ng South Cotabato. (Lea A. Panoy, MIO News Team)

MDRRMO-Tboli, nakiisa sa South Cotabato Disaster Risk Reduction and Management Summit 2026Dumalo ang Municipal Disaster ...
04/08/2026

MDRRMO-Tboli, nakiisa sa South Cotabato Disaster Risk Reduction and Management Summit 2026

Dumalo ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Tboli), sa ginanap na Province-Wide Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit 2026, na idinaos sa South Cotabato Cultural Gym and Events Center, Koronadal City, South Cotabato nitong Agosto 3, 2026.

Ang paglahok na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MDRRMO-Tboli na mapangalagaan at matiyak ang kaligtasan ng mamamayang Tboli sa panahon ng sakuna.

Naging pangunahing pokus ng Summit ang maagap na paghahanda sa sakuna, pag-aangkop sa pagbabago ng klima, at ang mas pinalakas na pagtugon sa mga emergency. Nakatanggap rin ang MDRRMO-Tboli ng DRR at SRR na mga supply at equipment.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, na naglalayong paigtingin ang kahandaan at katatagan, sa pamamagitan ng kamalayan at pagbabantay ng bawat komunidad sa harap ng mga posibleng kalamidad.

Naroon rin sa pagtitipon ang ng iba't ibang sektor, mga DRRM Office ng bawat bayan sa South Cotabato, at mga kinatawan mula sa akademya sa buong lalawigan ng South Cotabato. (Choice L. Naceda, MIO News Team/Photos by MDRRMO-Tboli)

LGU-Tboli, kabilang sa mga aprubado ng DILG na nakabuo ng CDRA, CLUPs at Zoning Ordinances sa Region 12Napabilang ang LG...
04/08/2026

LGU-Tboli, kabilang sa mga aprubado ng DILG na nakabuo ng CDRA, CLUPs at Zoning Ordinances sa Region 12

Napabilang ang LGU-Tboli sa mga kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) XII, sa kanilang mga naaprubahan na Updated Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) - Enhanced Comprehensive Land Use Plans (CLUPs) at Zoning Ordinances (ZOs), nitong Hunyo 30, 2026 lamang.

Sa inilabas na datus ng DILG XII, nasa 30.61% pa lamang sa mga Local Government Units (LGUs) sa buong Region 12, ang kabuuang bilang na may aprubadong CDRA-Enhaced CLUP at Zoning Ordinance. Batay sa datus na ito, dalawa lamang sa mga LGU (LGU-Tboli at LGU-Tantangan) sa lalawigan ng South Cotabato, ang may aprubahong CDRA-Enhaced CLUP at Zoning Ordinance.

Ang tagumpay na ito ay nagsusulong ng lokal na pag-unlad na nakabatay sa pagsusuri ng panganib at likas-kayang pamamaraan, nagpapatibay sa lokal na awtonomiya, at tumutulong sa pagbuo ng mas ligtas at mas matatag na mga komunidad na siyang layunin sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Ang CDRA-Enhaced CLUP, ay mga espesyalisadong kasangkapan sa pagpaplano ng lokal na pamahalaan, na nagsasama ng pag-aangkop sa pagbabago ng klima (CCA) at pamamahala sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad (DRRM) sa pagpapaunlad ng komunidad.

Habang, ang Zoning Ordinance naman ay isang lokal na batas na naghahati sa isang lungsod o munisipalidad sa mga sona upang kontrolin ang paggamit ng lupa at mga gusali. Nagtatakda ito ng mga tuntunin para sa paggamit ng ari-arian, taas ng gusali, at densidad ng lote. (Johnary G. Orella, MIO News Team/Reference: DILG 12)

SK Laconon, kinilala bilang Top Performing Sangguniang Kabataan Council sa GEMS for SK Evaluation sa bayan ng TboliKinil...
04/08/2026

SK Laconon, kinilala bilang Top Performing Sangguniang Kabataan Council sa GEMS for SK Evaluation sa bayan ng Tboli

Kinilala ng Department of Interior in Local Government (DILG-Tboli) at ng Local Youth Development Office (LYDO-Tboli), sa ginanap na LGU-Tboli Flag Raising Ceremony nitong Agosto 3, 2026, ang SK Laconon bilang Top Performing Sangguniang Kabataan Council (Rank 1) sa bayan ng Tboli.

Ito ay matapos makakuha ang SK Laconon ng mataas na marka (98%) sa halos 25 Sangguniang Kabataan Council sa buong bayan ng Tboli, na nakiisa sa katatapos lamang na ebalwasyon ng Governance Exemplars for Meaningful Service for Sangguniang Kabataan (GEMS for SK), na pinagasiwaan ng LYDO-Tboli at ng DILG-Tboli.

Maliban sa SK Laconon, kinilala din bilang mga Outstanding SK Council ang Barangay Sinolon na may markang 95.36% (Rank 2), SK Poblacion na may markang 94.01 (Rank 3), SK Lambuling na may 91.95 (Rank 4), Edwards sa 91.36 (Rank 5), Kematu sa 87.47 (Rank 6), at SK Talufo na may 84.47 (Rank 7).

Ayon kay LYDO-Tboli Designate, James K. Doming, ito ang unang pagkakataon na halos lahat ng SK Council sa bayan ng Tboli ay sumailalim sa naturang ebalwasyon, at unang pagkakataon din na marami ang naging Awardees ngayong taon. Dahil dito ay pinasalamatan ni Doming ang naging makabuluhang suporta ng mga Sangguniang Kabataan, gayundin ng LGU-Tboli, sa pangunguna ni Municipal Mayor, Hon. Keo Dayle T. Tuan, at ng lahat ng Sangguniang Bayan Members, kung saan ay binigyan-diin niya na ang kanilang pamumuhunan sa mga kabataan ay malaking tulong sa pagbuo ng isang komunidad na mas matatag, mas matibay, at tumutugon sa mga pangangailangan ng kabataan.

Habang, binigyang-diin naman ni MLGOO Joel S. Molo, na ang resulta ng GEMS for SK ay nagpapakita ng mga naabot at kung paano isinasagawa ang mga gawain na ito. Nagsisilbi din itong batayan o patunay na ginagawa ng LGU-Tboli ang lahat ng makakaya nito sa pagpapatupad ng mga naaayon na programa at serbisyo publiko.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati si Acting Municipal Mayor, Hon. Ronie L. Dela Peña, sa lahat ng mga Sangguniang Kabataan ng Tboli. Ayon sa kanya, ang mga ito ay katibayan na ginagampanan ng SK ang kanilang mga naging tungkulin. Sinabi din niya na bilang suporta, ang SB-Tboli ay nakapag-apruba ng resolusyon para sa GEMS for SK ng LGU-Tboli.

Ang ebalwasyon sa GEMS for SK ay may apat na Performance Areas na dapat suriin sa bawat Sangguniang Kabataan. Ito ay kinabibilangan ng Organizational Effectiveness, Development Planning, Financial Administration at Leadership and Innovativeness. Sa ilalim ng SK Reform Act of 2015, ito ay naglalayong makapagtatag ng sapat, epektibo, nakakapagtugon at nakakapagpagana na mekanismo para sa makabuluhang paglahok ng mga kabataan sa lokal na pamamahala at sa pagkabuo ng isang bansa. (Johnary G. Orella, MIO News Team)

8 Palarong Pambansa 2026 Medalists mula sa bayan ng Tboli, muling kinilalaTBOLI, South Cotabato – Bilang pagkilala sa ka...
04/08/2026

8 Palarong Pambansa 2026 Medalists mula sa bayan ng Tboli, muling kinilala

TBOLI, South Cotabato – Bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging tagumpay sa larangan ng palakasan, muling pinarangalan ng Lokal na Pamahalaan ng Tboli ang walong (8) atletang nagbigay ng karangalan sa bayan, lalawigan ng South Cotabato, at sa buong SOCCSKSARGEN Region, sa isinagawang 66th Palarong Pambansa sa Agusan del Sur noong Mayo 24–30, 2026.

Isinagawa ang pagkilala nitong Agosto 3, 2026, sa Flag Raising Ceremony ng LGU-Tboli, kung saan inanunsyo ni SEF Coordinator, Mizpah Sunshine P. Ming, RSW, ang pagpapatupad ng Ordinansang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Tboli, na naglalaan ng insentibo para sa mga atletang nagkamit ng medalya sa Palarong Pambansa, bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at sa karangalang iniuwi para sa bayan.

Ang walong atletang pinarangalan ay sina:

Gerom A. Bayarcal – Gold Medalist (Sepak Takraw);

John Rased E. Dading – Gold Medalist (Sepak Takraw);

Deo T. Sumnalling – Gold Medalist (Sepak Takraw);

Jr. J. Escabosa – Gold Medalist (Sepak Takraw);

Christian Dave B. Rosales – Gold Medalist (Sepak Takraw);

Roy Calvo – Silver Medalist (Athletics);

Godwin D. Lurot – Bronze Medalist (Pencak Silat); at

Danbert Macabugto – Bronze Medalist (Taekwondo)

Alinsunod sa Ordinansa, tumanggap ng tig-₱10,000 ang bawat Gold Medalist, tig-₱5,000 ang Silver Medalist, at tig-₱3,000 ang bawat Bronze Medalist.

Kasabay nito, kinilala rin ang mga magulang ng mga atleta bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang suporta at sakripisyo sa paghubog ng tagumpay ng kanilang mga anak.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Mr. Jade Sulan, sa ngalan ni TNHS Principal IV, Gil M. Tongcaling, at ng buong pamunuan ng Tboli National High School (TNHS), sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Tboli sa pagpapaunlad ng isports. Aniya, para sa iba ay isang libangan lamang ang sports, ngunit para sa mga atleta, ito ay nagsisilbing daan tungo sa mas magandang kinabukasan at mas maraming oportunidad.

Ibinahagi rin ni Sulan na si Jr. J. Escabosa, na dating atleta ng TNHS at kinilalang Best Spiker sa Sepak Takraw, ay kasalukuyang nag-aaral na sa Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), at napili bilang miyembro ng Philippine Under-19 Sepak Takraw Team. Aniya, isa itong malaking karangalan para sa Tboli, at patunay ng kakayahan ng mga atletang Tboli, na makipagsabayan sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Dagdag pa niya, sasabak ang Tboli National High School Sepak Takraw Team sa National Philippine Sepak Takraw League na gaganapin sa Maynila ngayong Nobyembre 2026. Inaasahan din niyang magkakaroon ng pagkakataon ang mga manlalaro ng TNHS at ng SOCCSKSARGEN Sepak Takraw Team, na kumatawan para sa Pilipinas, sa Asian School Games na gaganapin sa Indonesia sa Nobyembre 2026.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin ng patuloy na dedikasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Tboli sa pagpapaunlad ng kabataang atleta, at sa pagpapalakas ng mga programang pang-isports. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo at pagkilala sa kanilang mga tagumpay, patuloy na hinihikayat ng LGU-Tboli ang mas maraming kabataan na paunlarin ang kanilang talento, at maging inspirasyon sa pagdadala ng karangalan sa bayan, lalawigan, rehiyon, at maging sa bansa. (Lea A. Panoy, MIO News Team)

Nutri-DOSE, pinagtibay ang ugnayan sa pagsusulong ng Nutrition Program sa RehiyonPinagtibay ng mga miyembro ng Nutrition...
04/08/2026

Nutri-DOSE, pinagtibay ang ugnayan sa pagsusulong ng Nutrition Program sa Rehiyon

Pinagtibay ng mga miyembro ng Nutrition in Development Organization of Social Educators (Nutri-DOSE) SOCCSKSARGEN, ang kanilang ugnayan at pangako na maging bahagi sa pagsusulong ng Nutrition Program sa Rehiyon 12, sa isinagawang Nutri-DOSE Meeting nitong Hulyo 31, 2026, sa EMR Entertainment, Music and Recreation Center (Green Hall), Koronadal City, South Cotabato.

Ito ay matapos naibahagi sa grupo ng mga kinatawan mula sa NNC 12, ang naging resulta ng National Nutrition Survey 2025, na nagpakita ng ilan sa mababang Nutritional Status batay sa Anthropometric Result, maging ang resulta ng Awareness Survey patungkol sa programang pang-nutrisyon.

Nakiisa sa pagpupulong at pangako na ito ang LGU-Tboli at Radyo Katribu 103.3, gayundin ang mga bumubuo ng Nutri-DOSE na nagmula sa Regional Media Partners, Information Officers, at mga kinatawan mula sa amin (6) na Nutriskwela Community Radio Stations.

Ang nasabing pagpulong ay nakatuon sa pagbabahagi ng 2025 Regional Nutrition Situation, Social Behavioral Change Communication, Updates on the Regional Activities on Nutrition Month Celebration, at mga Nutrition-Related updates mula sa mga Nutriskwela Community Radio Stations sa Region 12, at ang pagbibigay ng impormasyon mula sa Philhealth 12 patungkol sa Yakap at Gamot Program ng ahensya.

Bilang opisyal na sangay ng impormasyon ng NNC XII, ang Nutri-DOSE ay nananatiling matatag sa pangako nitong makipagtulungan sa mga Stakeholders, upang mapagtibay ang mga programang pang-nutrisyon sa Rehiyon XII. (Johnary G. Orella, MIO News Team)

25 Barangay IPMRs at 10 Mediation Committee Members ng bayan ng Tboli, dumalo sa Developmental Orientation SeminarDalawa...
04/08/2026

25 Barangay IPMRs at 10 Mediation Committee Members ng bayan ng Tboli, dumalo sa Developmental Orientation Seminar

Dalawampu't limang (25) Barangay Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) at sampung (10) miyembro ng Municipal Indigenous Political Structure (IPS) Mediation Committee ng bayan ng Tboli, ang lumahok sa dalawang araw na Developmental Orientation Seminar (DOSI through DOSE), na ginanap noong Hulyo 29-30 2026 sa Koronadal City, South Cotabato.

Ang programa ay inilunsad ng Tboli-Blaan Unified Ancestral Domain Association, Inc. (TBUADAI), sa pamumuno ni Datu Sanorio T. Abentong, Municipal IPO President, sa pangunguna ni Municipal IPO Project Manager, Boi Erafaith S. Cualay, at ng kanyang grupo.

Isinagawa ang seminar sa pakikipagtulungan ng LGU-Tboli, sa pamamagitan ng Tribal Affairs Unit, sa pamumuno ni Mizpah Sunshine P. Ming, RSW, Municipal IPMR Office, sa pangunguna ni Datu Edmund Ugal, NCIP-Tboli Community Service Center, sa pamumuno ni Protacio Pasahe Jr., CDO III, at ng Municipal Indigenous Political Structure (IPS), sa ilalim ni Boi Silin A. Awed.

Naging katuwang din sa pagsasagawa ng aktibidad ang ProPEACE, sa pamamagitan ng TLDFI na pinamumunuan ni Dennis Librado, gayundin ang Kenener Ecoworks Philippines Corporation (KENECO), na nagbigay ng suporta sa programa.

Sa loob ng dalawang araw, tinalakay ang iba't ibang paksa na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga IPMR at mga lider ng IPS, kabilang ang paggawa ng Project Proposals, Republic Act No. 8371 o Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA), Republic Act No. 7160 o Local Government Code, mga polisiya ng NCIP, Parliamentary Procedures, at paggawa ng mga ordinansa at resolusyon.

Sa pamamagitan ng nasabing seminar, inaasahang mas mapapalakas ang kakayahan ng mga IPMR at mga lider ng IPS, sa epektibong paglilingkod at pagtataguyod ng karapatan, kapakanan, at patuloy na pag-unlad ng mga Katutubong Pamayanan sa bayan ng Tboli. (Gracious Dorcas O. Omek, MIO News Team/Photos by Datu Noven Tuan)

Address

Barangay Poblacion, Tboli, South Cotabato
T�Boli

Telephone

+63832371014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Tboli posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category