26/08/2026
Community Mobilization Program (CMP) Deliberation. Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga opisyal at personnel ng PNP Region 4A at sa PNP Taal Municipal Police Station sa pangunguna ni COP Charlie Reyes, Pat Mary Jane Maldo, ang aming Pulis sa Barangay Pat Jeffrey De Villa at sa lahat ng Taal MPS officers sa kanilang oras, gabay, suporta at mahalagang pakikipagtulungan.
Ang inyong presensya at mga puna ay malaking tulong upang higit naming mapalakas ang aming mga programa at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay.
Maraming salamat po sa inyong serbisyo at patuloy na pakikipagtulungan. Isang hakbang na naman tungo sa mas ligtas, maayos at nagkakaisang komunidad. 🇵🇭💙