28/09/2025
TEMPORARY ROAD CLOSURE — Poblacion Zone 4, Calle Vicente Noble
Para po sa kaalaman ng lahat, magkakaroon po tayo ng temporary road closure sa Zone 4 dahil sa ilang pagawaing mga drainage at slope protection sa kahabaan ng Calle Vicente Noble.
Ang mga motorista na patungo po ng POBLACION NG TAAL na magmumula sa Brgy. Pob. 4, Tatlong Maria, Pook, Caysasay, Seiran, Cawit, Latag, Halang, Laguile at Apacay ay maaaring sa DIVERSION ROAD-MAHABANGLODLOD dumaan.
Ang mga motorista naman na patungo po ng LEMERY na magmumula sa Brgy. Pob. 4, Tatlong Maria, Pook, Caysasay, Seiran, Cawit, Latag, Halang, Laguile, Apacay ay maaaraing sa DIVERSION ROAD dumaan.
Asahan po ninyo na aalalay po ang ating PNP-Taal, TMG-Taal at mga Barangay Officials para sa maayos na daloy ng mga sasakyan.