10/05/2025
Sa harap ng Diyos, iniaalay ko ang aking hangarin na makapaglingkod ng tapat at may malasakit sa bayan ng Taal. Isang hakbang tungo sa mas makabuluhang pagbabago. 🙏🏼 Sa pagtatapos ng kampanya, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat Taaleñong tumangkilik, naniwala, at sumuporta, ramdam ko po ang init ng pag salubong ninyo po sa akin.
Pasensya napo sa hindi ko naikutan at nakausap harapan bukod po sa ako ay independente, ni isang barangay wala po akong lider, araw araw bulag po ako hindi ko alam kung saan ako pupunta pero meron pong mga tao na pinapakilala sa akin ng Diyos na para samahan ako sa laban kong ito hindi ko napo kayo iisa-isahin alam po ng nasa itaas ang ating pinagsamahan at habang buhay po akong magpapasalamat sainyo. ❤️
Hindi naging madali ang bawat hakbang, pero dahil sa inyong tiwala at sa patnubay ng Panginoon, nanatili akong matatag sa hangaring makapaglingkod.
Lord, Kayo na po ang bahala. Kung ano man po ang loobin Ninyo, buong puso ko pong tinatanggap.
Maraming salamat, Taal. Para sa inyo ito. 🙏🏼❤️
⚫7️⃣