12/11/2013
ATTENTION!
To all members of WE CARE, friends and relatives:
Hindi po kaila sa atin ang nangyaring trahedya dulot ng bagyong Yolanda.Dahil po dito marami sa ating mga kababayan sa Visayas partikular na sa Tacloban Leyte at iba pang bayan doon ang nangangailangan ng tulong. Marami sa kanila ay nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Bukod dito, ay wala silang sapat na makain at inumin dahil sa sinapit ng kanilang bayan. Kaugnay po dito, kami po ay kumakatok sa inyong mga puso, anuman pong tulong galing sainyo ay maluwag po naming tatanggapin. pwede rin po kayong magbigay ng used clothes and any amount na kaya nyo pong maibigay. makipag ugnayan lang po sa akin at kay Dhybz Nuada para sa inyong mga tulong at kung may mga katanungan.
Maraming salamat po at Pagpalain tayong lahat ng Mahal na DIYOS!