02/06/2024
Sa 509 square meters, nakapag-ani po si Kuya Greg ng 15 sacks na tig-40 kilo bawat sako. 600 kilos po para sa 509 square meters na lupa, gamit ang Combustion Ash Fertilizer at Hibong Amino Acids.
Nung nakaraang taon, sumali po kami sa isang "rice derby", hindi bilang isang kalahok, kundi para lang makapag-demo sa Brgy. Magsaysay, bayan ng Dulag, Leyte. Huli na po nung nalaman namin na may rice derby pero pinaunlakan po kami na makapag demo farm sa kanilang barangay. Heto na po yung resulta, pirmado ng Municipal Agriculturist ng bayan ng Dulag.