26/08/2026
📢 ATTENTION BARANGAY BALINGASAG RESIDENTS! 📢
Mag-ingat at maging mapagmatyag po tayong lahat dito sa Barangay Balingasag, Tabontabon, Leyte. Nitong mga nakaraang araw, may mga napaulat na naman na nawawalang mga hayop at mga kagamitan sa ating lugar. Tila lumalaganap na naman ang operasyon ng mga magnanakaw kaya pakiusap na maging masubaybain tayo sa ating paligid.
Bantayan nating maigi ang ating mga alagang hayop, pati na rin ang ating mga ari-arian at mahahalagang gamit sa labas o loob ng bahay. Siguraduhing nakasusi ang mga pinto at secure ang mga kulungan ng hayop lalo na kapag gabi. Kung may mapansin kayong kahina-hinalang tao o kilos sa inyong kapitbahayan, ipagbigay-alam po agad ito sa ating mga barangay opisyal o mga tanod.
Magtulungan po tayo para sa seguridad ng ating komunidad. Please be safe everyone‼️