21/03/2023
Malikot na Kamay at Matabang Isipan
Pagsulat ng mga simbolo
Pagbigkas sa mga tunog
Pàg-uugnay sa mga salita
Komprehensibong pag-aanalisa sa bawat karunungang taglay
Marahil Ikaw'y nababagot
Pagbasa sa mga katagang
Pilit mong iniintindi
Pagkat dating kaisipan ay taliwas sa kasalukuyan
Oo, mahirap..
Mahirap umunawa
Lalo na sa paggamit nang patalinghaga
Animo'y buong buhay iniba
Ng katalasan ng wikang nilikha
Mahalin mo lang yaong kakaiba
Unahin at ipakita
Pagmamalasakit sa bawat kataga
Magdadala saan ka man mapunta
Ukit ng kahapon ay ipinapagunita
Pagsinta'y dapat inuuna
Gawing prioridad at nililikha
Ng malikot na kamay
At matabang isipan..
Library