27/07/2025
LIBRENG WI-FI HANDOG NI PBBM SA PALO, LEYTE!
Noong Hulyo 07, 2025 inilunsad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang libreng Wi-Fi site sa MacArthur Park sa Palo, Leyte, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapabilis ang digital transformation ng bansa.
Ang MacArthur Park ay hindi lang isang kilalang destinasyon sa probinsiya ng Leyte; ito rin ay isang makasaysayang lugar kung saan sinabi ni Heneral Douglas MacArthur ang kanyang pangako sa mga Pilipino: βI Shall Return.β
Ngayon, ang libreng Wi-Fi ay nagsisilbing pangako ng isang mas makabago at konektadong Pilipinas.