18/08/2026
Isang estudyante ang sinasabing sangkot sa insidente ng pamamaril na naganap noong Martes ng umaga, Agosto 18, sa Tumaga Campus ng Ateneo de Zamboanga University. Ayon sa mga kumakalat na ulat at mga post sa social media, ang estudyanteng iniuugnay sa insidente ay sinasabing mahusay sa pag-aaral at anak umano ng isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Batay sa mga impormasyong unang kumalat online, kabilang sa mga post na kalaunan ay nabura, ang pinaghihinalaang estudyante ay tinukoy lamang sa pangalang “Nael.” May mga naunang post umano ang kanyang pamilya tungkol sa kanyang mga academic achievement, kabilang ang pagkakaroon ng ranggong Top 1 sa kanilang klase.
May mga ulat din sa social media na nagsasabing ang kanyang ama ay dating mataas na opisyal ng Bureau of Customs. Gayunman, hindi pa ito opisyal na nakukumpirma ng mga awtoridad.
Naganap ang insidente sa Tumaga Campus noong Martes ng umaga at nagdulot ito ng pangamba sa mga estudyante, g**o, at iba pang miyembro ng komunidad. Agad namang umaksyon ang pamunuan ng paaralan at mga awtoridad kaugnay ng insidente.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamunuan ng Ateneo de Zamboanga University o sa lokal na pulisya tungkol sa buong pagkakakilanlan ng suspek, eksaktong detalye ng insidente, at kung may mga nasawi o nasugatan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang tunay na nangyari at ang posibleng motibo sa likod ng insidente. Hinihikayat din ang publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.