15/10/2026
ANO ANG EL NIÑO? ☀️
Ang El Niño ay isang kondisyon kung saan mas umiinit kaysa karaniwan ang tubig-dagat sa gitna at silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean).
Karaniwan, itinutulak ng hangin ang mainit na tubig-dagat papunta sa kanlurang Pasipiko, malapit sa Pilipinas. Kapag humina ang hanging ito, nagbabago ang distribusyon ng init sa karagatan at naaapektuhan ang panahon.
Ang matagal na kakulangan sa ulan ay maaaring magdulot ng pagkatuyo ng mga sakahan at kakulangan sa tubig, na nakaaapekto sa pagkain, enerhiya, kalusugan, at ekonomiya ng ating bansa.
Tandaan: Kahit may El Niño, maaari pa ring magkaroon ng malalakas na pag-ulan sa ilang lugar dahil sa Habagat o mga bagyo.
References:
El niño / La niña Phenomena. (2026, September 3). World Meteorological Organization. https://wmo.int/themes/el-nino-la-nina-phenomena
PAGASA. (n.d.). https://pagasa.dost.gov.ph/press-release/225