22/10/2025
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐ฅ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐บ ๐๐๐ฏ, ๐๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐
๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Arestado ang isang Pilipinong illegal recruiter at human trafficker na si Jarwin De Leon Santinitigan matapos siyang marepatriate kasama ang tatlo niyang nabiktima mula sa scam hub sa Vientiane, Laos noong Oktubre 17, 2025.
Batay sa salaysay ng mga biktima, sila ay pinangakuan ni Santinitigan, na umanoโy isang human resource manager sa Laos, ng trabaho bilang customer service representative. Pagdating nila sa Maynila upang magproseso ng mga kinakailangang dokumento, ipinakilala sila ni Santinitigan sa isang taong nagngangalang โAyie,โ na konektado umano sa isang recruitment agency. Si โAyieโ rin ang nag-ayos ng kanilang mga papeles para maiproseso bilang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Gayunman, nang umalis sila ng bansa, ang kanilang mga dokumento na mula sa Rapid Manpower Consultants Inc. ay para sa trabaho bilang electrician sa Brunei, ngunit ang kanilang airline ticket ay patungong Thailand. Pagdating sa Thailand, dinala sila sa Laos at doon pinagtatrabaho bilang online scammers gamit ang platform na TikTok.
Ayon sa mga biktima, hindi nila kinaya ang trabahong panloloko sa kapwa, kaya sila ay humingi ng tulong at sumuko sa Embahada ng Pilipinas sa Laos, na agad namang nagpatupad ng kanilang repatriation.
Nadakip si Santinitigan matapos makumpirmang siya ang nagrecruit at nagpadala sa tatlong biktima. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, at Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na may kaukulang parusa sa mga sangkot sa illegal recruitment at human trafficking. Iniimbestigahan din ng DMW ang pagkakasangkot ng Rapid sa nangyari sa mga biktima.