28/05/2026
π πππ§ππ‘π π’π πππ§π¬/π π¨π‘ππππ£ππ ππ‘π§πππ₯ππ§ππ π£ππ¦π§ π ππ‘ππππ ππ‘π§ (ππ£π ) ππ’π’π₯πππ‘ππ§π’π₯π¦
Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) North Cotabato sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Engr. Elena E. Ragonton, MPA ang Meeting of City/Municipal Integrated Pest Management (IPM) Coordinators na isinagawa sa Agri Center ng OPAG North Cotabato upang talakayin ang historical pest data at pest advisories on possible insect pests to occur during El NiΓ±o phenomenon.
Isa sa mga naging agenda ng pagpupulong ay ang presentation ng β2026 Provincial Plans and Programs on Crop Protectionβ na inilahad ni Rogaya S. Acoy, Provincial IPM Coordinator, kung saan tinalakay ang mga pangunahing programa at interventions ng lalawigan para sa pagpapalakas ng pest surveillance, crop protection activities, at climate-resilient agriculture initiatives bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El NiΓ±o sa sektor ng agrikultura.
Tinalakay ni RCPC Chief Dr. Ray A. Rodriguez ang historical pest incidence data na nagpapakita ng pagtaas ng insidente ng mga pangunahing peste ng pananim tuwing may prolonged dry spell at mataas na temperatura dulot ng El NiΓ±o. Ayon sa forecast ng PAGASA, may mataas na posibilidad na mabuo ang El NiΓ±o pagsapit ng Hunyo 2026 at maaaring magpatuloy hanggang sa mga susunod na buwan, dahilan upang paigtingin ang paghahanda at monitoring activities ng mga lokal na pamahalaan at agricultural offices.
Batay sa historical pest data, kabilang sa mga pangunahing pesteng naobserbahan sa panahon ng El NiΓ±o ang Brown Planthopper (BPH), Rice Black Bug (RBB), Stem Borers, Rice Bugs, rodents, insect defoliators, leaf folder, at Fall Armyworm (FAW).
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang pest advisories hinggil sa mga posibleng insect pests na maaaring muling magkaroon ng outbreaks habang nagpapatuloy ang El NiΓ±o conditions. Kabilang dito ang Fall Armyworm sa mais at high-value crops, Brown Planthopper at Rice Black Bug sa palay, pati na rin ang pagdami ng rodents dulot ng kakulangan sa tubig at pagkain sa natural habitats.
Kaugnay nito, inirekomenda ang pagpapalakas ng climate-based pest surveillance, regular field monitoring, synchronized planting, crop rotation, paggamit ng pest-resistant at drought-tolerant varieties at pagpapatupad ng Integrated Pest Management (IPM) strategies upang maagapan ang posibleng paglala ng infestation at maprotektahan ang produksyon ng agrikultura sa lalawigan.
Dinaluhan ang aktibidad nina RCPC Chief Dr. Ray A. Rodriguez at Ms. Meliza B. Caramat, Senior Science Research Specialist at Diagnostic Laboratory Unit Head, na nagbigay ng mahahalagang teknikal na updates at rekomendasyon ukol sa pest monitoring, diagnostics, at mitigation strategies laban sa epekto ng El NiΓ±o.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang nalalapit na Farmers Forum na gaganapin sa Hunyo 22, 2026 kasabay ng Pest Management Council of the Philippines (PMCP) and Scientific Conference sa General Santos City. Kabilang sa mga paghahandaan ang pagbibigay ng updates sa pest management technologies, climate-resilient agriculture strategies, at ang pagpili ng Outstanding Farmer Awardee bilang pagkilala sa mga magsasakang may natatanging kontribusyon sa sustainable crop production at integrated pest management practices.