2nd Platoon, 1st CMO Company

2nd Platoon, 1st CMO Company Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 2nd Platoon, 1st CMO Company, Government Organization, Kalandagan, Tacurong.

19/11/2025

Noong labinlima ng Nobyembre dalawang libo dalawampu't lima, ang mga kasapi ng 6th Civil Military Operations Battalion, katuwang ang Task Force Gensan, ay nagsagawa ng Information and Education Campaign (IEC) tungkol sa Communist Terrorist Group Deceptive Recruitment at West Philippine Sea Advocacy. Dinaluhan ang aktibidad ng mahigit walong daan apatnapu't dalawang (842) NSTP students at dalawang daan walumpu't limang (285) ROTC cadets, na may kabuuang isandaan isang libo dalawampu't pito (1,127) na kalahok. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Covered Court ng Golden State College, Brgy. Lagao, General Santos City.

Ipinahayag ni Dr. Josie Yap Tirador, Vice President for Academic Affairs, ang kanyang pasasalamat sa Task Force Gensan sa pagbibigay ng kaalaman at pagpapalawak ng pang-unawa ng mga estudyante tungkol sa West Philippine Sea at CTG recruitment. Nagbigay rin siya ng isang mahalagang mensahe na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at responsable upang maging handa ang mga kabataan at mapaigting ang kanilang kamalayan.

Isa sa mga naging panauhing tagapagsalita ay si AKa Akkay, isang dating Political Instructor ng Daguma Guirellia Front Musa (DGF), Far South Mindanao Region (FSMR).

Ang layunin ng pagsasagawa ng symposium para sa mga kabataan ay tungkol sa West Philippine Sea Advocacy at CTG deceptive recruitment ay upang mapalawak ang kaalaman, mapalakas ang seguridad, at mapatibay ang diwang makabayan ng kabataan. Nilalayon ng aktibidad na mabigyan ang mga estudyante ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa karapatang teritoryal ng bansa at mga isyung pangseguridad, upang maunawaan nila ang kahalagahan ng pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.












10/11/2025

Noong ika- anim na Nobyembre dalawang libo dalawampu't lima, ang mga kasapi ng 6th Civil Military Operations Battalion kasama ang Task Force Gensan sa pangunguna ni MAJ EDWARD MEIM (INF) PA sama-samang tumulong sa pagbibigay ng seguridad at manpower support kaugnay ng ginanap na People’s Caravan “Serbisyo Dala ay Pag-Asa” na pinangunahan ng National Housing Authority (NHA).

Ang nasabing aktibidad ay nakapaglingkod sa mahigit isang libo limandaang animnapu't limang benepisyaryo na isinagawa sa Multi-Purpose Hall, Guardian Hill, PA/PNP Housing Project, Upper London, Barangay Bawing, General Santos City.

Kabilang sa mga serbisyo na ibinigay ng Philippine Army at Philippine National Police ay libreng gupit, medical check-up, at audio-visual presentation (AVP) tungkol sa West Philippine Sea (WPS) Advocacy at Philippine Army recruitment campaign, na naglalayong hikayatin ang mga dumalo na isaalang-alang ang pagiging sundalo bilang isa sa mga marangal na propesyon sa bansa. Bukod dito, namahagi rin ang DSWD ng mga food pack sa mga benepisyaryo.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Hon. Lulu Casabuena, Spokesperson na kinatawan ni Hon. Lorelie Pacquiao, City Mayor, Hon. Joe Tai, General Manager ng National Housing Authority, at ilang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.”

Layunin ng aktibidad na ipalapit ang mga programa at pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente na naninirahan sa mga housing project sa nasabing lugar.













07/11/2025

We extend our heartfelt congratulations to BGEN MARCES T GAYAT PA, Commander, CMOR, PA, on his well-deserved promotion.
Congratulations, Sir, Mabuhay po kayo!
From the Officers and Enlisted Personnel of the 6th Civil-Military Operations (Kasangga) Battalion, CMOR, PA.











07/11/2025
06/11/2025

Noong ika- apat ng Nobyembre dalawang libo dalawampu't lima , ang mga kasapi ng 6th Civil Military Operations Battalion at kasama ang Task Force Gensan, ay nagsagawa ng Information and Education Campaign (IEC) tungkol sa Communist Terrorists Group (CTG) Deceptive Recruitment at West Philippine Sea Advocacy na ginanap sa Covered Court ng Fatima National High School, Barangay Fatima, General Santos City.

Dinaluhan ito ng humigit-kumulang Isang Libo at dalawang daan na mga Senior High School students, na hinati sa dalawang sesyon — Grade 11 sa umaga at Grade 12 sa hapon.

Ipinahayag ni Dr. Maria Theresa Dinero, punong-guro ng paaralan, ang kanyang pasasalamat sa Task Force Gensan sa kanilang pagbisita at sa pagbibigay ng mahahalagang kaalaman sa mga mag-aaral. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa West Philippine Sea (WPS) at ang pagiging mapagmatyag laban sa mga organisasyong may mapanlinlang na ideolohiya at layunin.

Isa sa mga pangunahing tagapagsalita na si alyas akkay, dating Political Instructor ng sub-units, Far South Mindanao Region at dating estudyante ng MSU–GenSan.

Layunin ng aktibidad na edukahin at protektahan ang kabataan laban sa mga mapanlinlang na paraan ng CTG recruitment, at palaliman ang kamalayan, pagka-makabayan, at pang-unawa sa kahalagahan ng pagtatanggol sa ating pambansang soberanya at karapatan sa West Philippine Sea.













20/09/2025

Noong ika-16 ng Setyembre 2025, matagumpay na ipinagdiwang ang ika-3 anibersaryo ng Maguindanao del Sur kasabay ng paglulunsad ng flagship program na GIVE HEARTS Governance ni Governor Ali Midtimbang.
Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Walk for Peace, ribbon cutting, symbolic sounding of Agong, at pagbisita sa mga booths. Dumalo ang mga halal na opisyal, lokal na kawani, mga mamamayan mula sa iba’t ibang barangay, at mga kasundaluhan mula sa AFP at PNP.
Sa ilalim ng GIVE HEARTS Governance, inilapit ng pamahalaan ang iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng check-up, food packs, ayuda, makinaryang pang-agrikultura, educational materials, wheelchair, at cash assistance.
Nakibahagi rin ang 6th Infantry Division sa pamamagitan ng information drive, poster display ng Atin Ito! West Philippine Sea, at AVP ng Balik Baril Program. Tampok din ang Army Recruitment video at pagtatanghal ng 6ID Band.
Isa sa mga panauhing pandangal, si Abdulraof Macacua, Interim Chief Minister ng BARMM, ay nagbigay-diin na ang tunay na kaunlaran at kapayapaan ay nakabatay sa mabuting pamamahala at malasakit ng mga lider.

Sa kabuuan, mahigit 2,000 katao ang nakinabang sa serbisyo caravan—patunay ng pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ng komunidad.”











Address

Kalandagan
Tacurong
9800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2nd Platoon, 1st CMO Company posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share