DepEd Tayo Lenga ES

DepEd Tayo Lenga ES a valuable resource for communication, engagement and community building

Maligayang Pagtatapos Batch 2025-2026..Congratulations Learners!!!
28/03/2026

Maligayang Pagtatapos Batch 2025-2026..
Congratulations Learners!!!

14/02/2026

Celebrating my 6th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Heartfelt Gratitude from Long-ayan Journalist 2025-2026With profound thanks with our advisers and coaches our deepest ap...
13/02/2026

Heartfelt Gratitude from Long-ayan Journalist 2025-2026

With profound thanks with our advisers and coaches our deepest appreciation to Catherine G. Domede, our esteemed School Principal; the Lenga ES PTA; and all our valued stakeholders. Your unwavering support—from school and district levels to higher competitions—has fueled our journalism journey and made our successes possible.

Together, we've turned passion into progress!A resounding congratulations to our shining star, Zhyrel Fhaye P. Paculan, and her exceptional coach, Fely B. Micklay! Your hard work and talent have secured this well-deserved victory. All the best as you soar to the Regional Level—we're cheering you on every step of the way!

ARAL Launching on September 15,2025
16/09/2025

ARAL Launching on September 15,2025

Happy Wednesday😊😄
06/08/2025

Happy Wednesday😊😄

Ngayong araw ay isang napakahalagang okasyon para sa ating paaralan. Pinagsasama natin ang pagdiriwang ng Nutrition Mont...
08/07/2025

Ngayong araw ay isang napakahalagang okasyon para sa ating paaralan. Pinagsasama natin ang pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang "Food at Nutrition Security! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin" at ang sabayang panunumpa ng ating mga bagong halal na opisyal ng School Parent-Teachers Association (SPTA), Homeroom Parent Officers(HPTA), at School Elementary Learners Government .

Ang temang ito ay paalala at panawagan sa ating lahat: Ang sapat at masustansyang pagkain ay hindi lamang pangarap kundi karapatan ng bawat bata. Ang tamang nutrisyon ay pundasyon ng malusog na katawan, matalinong pag-iisip, at masiglang kinabukasan. Sa ating paaralan, sinisikap nating tiyakin na walang batang magugutom at lahat ay may pagkakataong matuto at magtagumpay.

Ngunit hindi ito magagawa ng paaralan lamang. Kailangan natin ang tulong at suporta ng bawat magulang, g**o, at mag-aaral. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng ating mga bagong opisyal. Sa inyo pong mga SPTA officers, HPTA Officers, at mga lider ng SELG , binabati namin kayo sa inyong panunumpa at dedikasyon. Kayo ang magiging tulay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan, tahanan, at komunidad.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong mga kapwa magulang, g**o, at kapwa mag-aaral. Sama-sama nating isulong ang mga programang magtitiyak ng food and nutrition security para sa lahat. Huwag nating kalimutan na ang bawat batang malusog at may sapat na pagkain ay may mas malaking tsansang magtagumpay sa buhay.

mabuhay na simula ng pasukan po para sa School Year 2025-2026 kasama ang bagong punong g**o  Maam Catherine G. Domede.
16/06/2025

mabuhay na simula ng pasukan po para sa School Year 2025-2026 kasama ang bagong punong g**o Maam Catherine G. Domede.

09/05/2025
Photos during the Moving Up and Graduation Ceremony that was conducted on April 14, 2025 at Lenga Elementary School.Cong...
15/04/2025

Photos during the Moving Up and Graduation Ceremony that was conducted on April 14, 2025 at Lenga Elementary School.
Congratulations, learners and parents.
Soar High!!!

07/04/2025

MESSAGE FROM THE SECRETARY

As we close School Year 2024-2025, I want to extend my heartfelt gratitude to our learners, teachers, school staff, parents, and partners who have been part of this shared journey. This year’s
theme, Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay ng Bagong Pilipinas, underscores our collective effort in strengthening our education system to meet the demands of a rapidly evolving world.

I have seen this commitment firsthand in my visits to schools across the country. I have met learners who wake up before dawn to walk kilometers to
learn, teachers who go beyond their duty, and parents who sacrifice to provide their children with better opportunities. These realities push us to craft enduring reforms.

Through the 5-Point Reform Agenda, we have taken concrete steps to address classroom shortage, strengthen our workforce by filling critical personnel, accelerate digitalization, enrich career pathways, and implement policies that lead to lasting systemic improvements. We opened the doors of our offices and schools to our partners in the private sector to make all of these happen.

Beyond solving existing challenges, we are also spearheading the groundwork for a future- ready education system. Our goal is not just about an uptick in numbers. Our goal is for every Filipino child, no matter where they are, to have the opportunity for learning, growth,
and success.

To our teachers and school staff, your dedication is the foundation of this transformation. Your hope and hard work are the reason we are making progress.

To parents and guardians,
your support at home shapes the aspirations of our learners and inspires them to strive for
more.

To our students, you are the heart of everything we do. Your dreams fuel our drive to make education better and more inclusive.

And to our graduates and completers of SY 2024-2025, congratulations! You are the generation that binds all of us together. As you step into the next chapter of your lives, bring with you the values of perseverance, resourcefulness, and compassion that define us as Filipinos.

As we move forward, DepEd, under the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr., remains committed to raising the quality of education, strengthening governance, and ensuring that our youth reach their full potential. With an unyielding commitment to equity, we will build a stronger, more inclusive education system for generations to come.

Maraming salamat at mabuhay ang edukasyon ng Bagong Pilipinas!

07/04/2025

GRADUATION MESSAGE
SY 2023-2024

Masaya at maaliwalas na araw po sa inyong lahat na nakikiisa upang ating ipagdiwang ang pagtatapos ng mga mag-aaral ngayong taong – pampaaralang 2024 – 2025.
Unang-una, ikinagagalak ko pong batiin ang mga masisipag na mga magulang at mga tagapag-alaga ng ating mga mag-aaral. Sila po ang pangmalakasang nagbuwis ng pawis at nagsumikap para sa pag-aaral ng mga magsisipagtapos.
Pangalawa, masigabong pagbati rin po sa mga magigiting na mga g**o, mga punongg**o, mga tagamasid at sa mga kaagapay na inatasang sumaklolo sa mga gawaing pang-administratibo! Kayo pong lahat ay nag-ambag ng malaking suporta at taos-pusong pag-aruga upang magtagumpay ang mga magtatapos sa araw na ito.
Maligayang pagbati rin po sa ating mga halal na opisyales ng mga lokal na pamahalaan mula sa probinsya, munisipyo at sa barangay, at sa mga pinuno ng mga katuwang nating mga iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan ganun din po sa mga iba’t ibang organisasyong handang tumulong sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa ikabubuti ng mga mag-aaral sa bawat paaralan! Hindi rin po maikakaila ang naging kontribusyon ninyo upang siguraduhing magtatapos ang mga mag-aaral nating nasa entablado ngayon.
Lalong-lalo na sa inyo, mahal naming mga mag-aaral na magtatapos ngayon! Dahil sa inyong ipinihunang pawis at sakripsiyo, napagtagumpayan ninyo ang mga hamon sa bawat araw na kayo ay babangon upang papasok sa paaralan. Kayo rin ay tumalima sa mga kinakailangang takda at sumunod din sa mga utos na sumusubok sa inyong disiplina at kakayahan. Hindi kayo sumuko, bagkus, ay naging masigasig pa kayo upang makamit ninyo ang katibayan ng inyong nakamtan sa loob ng labintatlong taon o higit pa na ginugol ninyo sa pag-aaral.
Tunay na pambihira ang inyong tagumpay na ipinamamalas ninyo ngayon. Napakahalagang bahagi ito ng inyong pagsulong at pag-unlad. Malinaw ding ito ay may mabigat na ambag sa tinatawag nating - Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas.
Kapag ang mga kabataan ay nagkakaisa sa isang napakabuting mithiin, katulad ng pagtatapos sa pag-aaral, nagiging mas matibay ang henerasyon na kanilang binubuo. Binibigkis ito ng matatag at nagkakaisang diwa kung kaya’t mas makaaagapay ang bawat isa tungo sa adhikain ng Bagong Pilipinas. Nawa’y magsilbing tagubilin sa inyo, bilang mga magigiting na pangkat ng magtatapos sa taong ito, na ipagpatuloy ninyo nang may sigla at saya ang inyong pag-aaral sa kolehiyo o sa TESDA. Maari ring isakatuparan ninyo ang inyong kagustuhang makapagtrabaho gamit ang mga kasanayang natutunang sanhi ng pagkamit ng National Certificate mula sa TESDA. Pwede rin kayong magsimula ng negosyo katulad ng mga ipinapatupad ng DTI na Micro-Small-Medium Enterprise o MSME. Higit sa lahat, bigyan ninyo ng pagpupugay ang inyong pagtatapos sa pamamagitan ng pagkakaisang magdudulot ng kaunlaran sa dunong, magpapalalim ng kabutihang-asal at magsusulong ng pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Muli’t muli, Congratulations! Nawa’y ipagkaloob ng ating Dakilang Maykapal ang mapagpalang biyaya sa inyong lahat!

Address

Tadian

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Lenga ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share