06/08/2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng ugnayan at koordinasyon sa mga barangay, nakiisa ang DILG Tagaytay sa buwanang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay ng Lungsod ng Tagaytay na ginanap noong Agosto 5, 2026, sa Sangguniang Panlungsod Session Hall.
Sa pagpupulong, ibinahagi at ipinaliwanag ni Bb. Maria May Ambata ang mga bagong Memorandum Circular ng DILG na may kaugnayan sa pamamahala ng barangay. Nagbigay rin siya ng mahahalagang paalala hinggil sa mga responsibilidad at iba pang tungkulin ng mga Punong Barangay upang matiyak ang maayos, episyente, at maagap na pagpapatupad ng mga programa at mandato ng pamahalaan.
Patuloy na nakatuwang ng DILG Tagaytay ang mga barangay sa pagtataguyod ng mahusay na pamamahala at mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa bawat mamamayan.