Tagkawayan Public Information Office

Tagkawayan Public Information Office Committed to keeping you informed and engaged with accurate, timely, and transparent communication.

PAALALA: WALA PO KAYONG DAPAT BAYARAN NA ANUMANG HALAGA kaugnay ng recruitment activities na isinasagawa o ipinapubliko ...
03/09/2026

PAALALA: WALA PO KAYONG DAPAT BAYARAN NA ANUMANG HALAGA kaugnay ng recruitment activities na isinasagawa o ipinapubliko ng PESO Tagkawayan.

Maging alerto, mapanuri, at mapagmatyag upang hindi mabiktima ng anumang uri ng panloloko.

Maaaring kontakin ang Peso-Tagkawayan sa kanilang FB Page o sa e-mail na: [email protected] at [email protected]

03/09/2026

๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™ ๐™ƒ๐™„๐˜ฝ๐™‡๐˜ผ ๐ŸŽฅ๐Ÿฅฅ

Bawat hibla ay may kuwentong dala. Bawat likha ay bunga ng sipag, kasanayan, at kulturang ipinapamana mula sa isang henerasyon tungo sa susunod.

Sa pamamagitan ng dokumentaryong ito, masisilayan natin ang kuwento, tradisyon, at pagkakakilanlang patuloy na bumubuo sa ating bayan.

Panoorin ang ating entry sa Documentary Contest ng Likhang Niyogyugan 2026 at tuklasin ang mga kuwentong nakahabi sa bawat hibla. ๐ŸŒดโœจ

๐ŸŽฌ Documentary Entry | Likhang Niyogyugan 2026

03/09/2026
Panalangin sa Umaga
02/09/2026

Panalangin sa Umaga

02/09/2026

ICSโ€“UNIFIED COMMAND, IA-ACTIVATE SA FESTIVAL OF TALENTS

Nilagdaan ni Mayor Carlo Eleazar ang memorandum para sa activation ng Incident Command System (ICS) sa pamamagitan ng Unified Command (UC) bilang suporta sa Congressional District Festival of Talents na gaganapin sa Setyembre 3, 2026 sa Bayan ng Tagkawayan.

Batay sa rekomendasyon ng MDRRMC, magiging aktibo ang ICS mula Ika-7:00 ng umaga ng Setyembre 3 hanggang Ika-7:00 ng umaga ng Setyembre 5, 2026 upang matiyak ang maayos na koordinasyon, kaligtasan, seguridad, at mabilis na pagtugon sa anumang insidente.

Para sa impormasyon at gabay ng publiko.

-Office of the Information officer

02/09/2026

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐ŸŒด

Sa panahon ng digital transformation, nagiging mahalagang katuwang ang teknolohiya at artificial intelligence sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapahusay ng serbisyo, at paglikha ng mas makabuluhang karanasan sa turismo.

Ngayong Buwan ng Turismo, sama-sama nating tuklasin kung paano nagiging tulay ang inobasyon upang mas maipakilala ang ating mga destinasyon, kultura, at mga kuwentong Pilipino sa mas maraming tao.

Habang umuunlad ang teknolohiya, patuloy din nating pinahahalagahan ang puso ng turismo: ang ating mga komunidad, tradisyon, at pagkakakilanlan.

02/09/2026

Ipinagbibigay alam po sa lahat ng Tagkawayanin at sa Publiko na ang lahat ng Recruitment Activity at Vacancies na sinasa-publiko ng PESO ay โ€œLIBREโ€ at wala po kayong dapat bayaran na anumang halaga. Kung mayroon po kayong naringgan na ganitong klase ng modus na nag-aalok ng siguradong position o slot sa anumang kumpanya na may katumbas na halaga ay kumpirmahin po muna sa PESO o ipagbigay alam agad sa kinauukulan upang hindi po tayo mabiktima ng mga ganitong uri ng panloloko.

Maging alerto at mapanuri po tayo mga kababayan.

Sa pagpasok ng bagong buwan, nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan sa pagdiriwang ng World Su***de Prevention ...
01/09/2026

Sa pagpasok ng bagong buwan, nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan sa pagdiriwang ng World Su***de Prevention Awareness Month na may temang "Changing the Narrative on Su***de".

Nawa'y maging instrumento tayo upang maramdaman ng iba na ligtas silang magpahayag, napakikinggan kapag sila ay nagbabahagi, at sinusuportahan sa oras ng pangangailangan.

Laging tandaan na IKAW AY MAHALAGA, IKAW AY MINAMAHAL, at IKAW AY SAPAT.

Address

Maxi Drive, Brgy. Poblacion, Quezon
Tagkawayan
4321

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639178302903

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagkawayan Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share