12/06/2026
๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐-๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง, ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐ญ ๐๐๐ค๐๐๐๐ฒ๐๐ง
Nakiisa ang DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) Tagoloan sa paggunita ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2026, bilang pagpupugay sa kagitingan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa bawat lingkod-bayan na patuloy na maglingkod nang may integridad, malasakit, at dedikasyon para sa kapakanan ng mamamayan. Kasabay nito, muling pinagtitibay ng DILG Tagoloan ang pangako nitong isulong ang mabuting pamamahala, mapayapang pamayanan, at mahusay na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.
Sa diwa ng kalayaan, nananatiling katuwang ang DILG Tagoloan sa pagtataguyod ng mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat mamamayan at makapag-ambag sa pagbuo ng isang mas matatag at maunlad na Bagong Pilipinas.
Maligayang Ika-128 Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญ