13/07/2026
MAHALAGANG ANUNSYO: GABAY SA SUSPENSYON NG KLASE AT LEARNING CONTINUITY (DepEd Order No. 014, s. 2026)
Mga Ka-Annex, Magulang, at Mag-aaral!
Narito ang opisyal na gabay ng Tipas Elementary School Annex ukol sa suspensyon ng harapang klase (in-person classes) at ang pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode (ADM) o distance learning kapag may bagyo o malakas na pag-ulan.
Alamin ang ating mga hakbang base sa babala ng PAGASA upang masig**o na ligtas ang lahat habang patuloy pa rin ang pag-aaral:
🟢 HAYO (Normal Conditions) – Tuloy ang regular na klase. Walang kailangang ADM.
🟡 HINAY (Signal No. 1 & 2 / Yellow Warning) – Suspendido ang in-person classes sa mga itinakdang antas. Awtomatikong lilipat sa ADM (Modular/Online Learning).
🟠 HINGA (Signal No. 3 / Orange Warning) – Awtomatikong suspendido ang in-person classes sa lahat ng antas. Ipatutupad ang ADM depende sa sitwasyon at kaligtasan ng komunidad.
🔴 HINTO (Signal No. 4-5 / Red Warning) – Matinding kalamidad. Pansamantalang ititigil ang lahat ng klase maging ang ADM. Prayoridad ang kaligtasan at paglikas ng bawat pamilya.
Sama-sama nating itaguyod ang kaligtasan ng bawat isa habang patuloy na nagpupursigi sa ating mga pangarap. Mag-ingat po ang lahat!
🛡️ Safety First. Learning Continues.
💙 From Humble Beginning to Lifelong Learning