01/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ, ๐ญ๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐จ๐ฐ๐ทโ๐ต ๐ค๐ฐ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ด๐ถ๐ด๐ช ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ง๐ณ๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ซ๐ฆ๐ค๐ต๐ด
Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng natitirang bahagi ng walong taong natenggang San Agustin Bridge sa Arayat, Pampanga, na patuloy na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko at kumokonsumo ng mahabang oras ng biyahe sa mga motorista at komyuter sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Pampanga.
Tiniyak ni Public Works Secretary Vince Dizon na tatapusin ng ahensya ang tulay sa Oktubre upang tuluyan nang mabuksan ito sa publiko at makatipid sa oras ng biyahe at gasolina ang mga motoristang araw-araw dumadaan papunta at pabalik ng Pampanga at Nueva Ecija.
โNakakatuwa lang, [kung] lahat magtulung-tulungan at hindi nagtuturuan, ang bilis ng progress natin dito. Finally, after nine years, matatapos na itong San Agustin Bridge, in 5 months, tapos tayo,โ sinabi ni Secretary Dizon matapos inspeksyunin ang tulay kasama si Vice Governor Delta Pineda.