11/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
MODULE 3 | National Youth Situationer and Philippine Youth Development Plan
๐๐จ ๐ญ๐จ ๐๐ ๐๐๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐ฌ ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Ipinapakita na hindi kailanman dapat buwagin ang Sangguniang Kabataan dahil mahalaga ang pagkakaroon ng indibidwal na boses ng mga kabataan. Ipinapaalala nito na ang kabataan ay hindi lamang tagasunod ng mga desisyon ng nakatatanda, kundi aktibong kalahok sa pagbuo ng mga polisiya at programang makakaapekto sa kanilang buhay. Sa pamamagitan ng mga institusyon at mekanismo ng representasyon, nagkakaroon ng pagkakataon ang kabataan na maipahayag ang kanilang mga pangangailangan, ideya, at adhikain para sa pag-unlad ng lipunan.
Isa pang aking natutunan na mahalagang maunawaan din ang layunin ng Philippine Youth Development Plan (PYDP) na gabayan ang mga programa at proyekto para sa kabataan sa bansa. Layunin ng planong ito na mapalakas ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng pamumuno, edukasyon, kalusugan, partisipasyon sa pamahalaan, at pag-unlad ng komunidad.
Ito ay palatandaan na ang pagbibigay-halaga sa kanilang indibidwal na representasyon ng kabataan ay isang hakbang upang matiyak na ang kinabukasan ng bansa ay hinuhubog hindi lamang para sa kabataan, kundi kasama sila sa mismong paglikha nito.